^

PSN Showbiz

Ria, nagsalita sa closeness nila ni Joshua

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ria, nagsalita sa closeness nila ni Joshua
Ria
STAR/ File

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na diumano sina Ria Atayde at Joshua Garcia. Ayon sa aktres ay natawa lamang sila ng binata nang mabalitaan ang tungkol dito. “We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy! Rumored boyfriend halika rito.’ Like I mean, we are friends,” bungad ni Ria.

Naging malapit sa isa’t isa sina Ria at Joshua nang makatrabaho ng aktor ang ina ng dalaga na si Sylvia Sanchez sa teleseryeng The Greatest Love noong 2016.

Minsan na rin daw na nagdiwang ng Pasko si Joshua kasama ang pamilyang Atayde. “I am super comfortable with him. Because nga he is my mom’s grandson in The Greatest Love and because of that he actually celebrated Christmas with us that year and we’re close. Like we just don’t post about each other or anything. Pero ‘yun nga, we’re close because of that. Things got busy pero we always keep in touch throughout the years. Then we are also working together on Viral, so lot of reasons to hang out. And he also just recently started playing golf with the boys of my friend group. Now he is part of it as well. So it’s really just that,” pagdedetalye ng aktres.

Hindi na bago para kay Ria ang maiugnay sa mga artistang lalaki. Madalas itong nararanasan ng dalaga kaya nakasa­nayan na rin daw niya ang ganito. “I’ve been teased with Dominic Roque and Marco Gumabao. So I guess whoever is single naman nilalagay nila sa akin, regardless kung sino, gets ko naman guys. Single nga, gets na gets,” pagtatapos ng dalaga.

Francine, masungit ‘pag pagod!

Lingid sa kaalaman ng karamihan ay may pagkakikay din si Francine Diaz. Nasanay kasi ang mga tagahanga na matino at maayos palagi ang imahe ng aktres. “Depende ‘yan kung sino ‘yung kasama ko. Like kunwari kasama ko ‘yung mga best friends ko like sina Jayda (Avanzado) at Ashley (Diaz), ‘yan ‘yung sobrang ingay ko talaga. Pati sina ate ‘pag nasa bahay lang kami. ‘yung pagiging makulit ko, inaayon ko ‘yon sa mga taong kasama ko. ‘Pag naglalaro kami ng mga kapatid ko, sumisigaw kami. Normal lang sa amin ‘yon. Pero siyempre kapag nasa trabaho ako, ba’t ako sisigaw? Kapag nasa bahay ako makakabasag talaga ako ng lahat ng babasagin,” natatawang pahayag ni Francine.

Katulad ng ibang mga kabataan ay normal lamang para sa aktres na makapagsungit paminsan-minsan. “Nire­respeto ko ‘yung mga taong nakakasalamuha ko everyday. Mabait ako sa kanila, pero ‘yung super mabait, no. hindi ako perfect. Minsan meron akong sinusungitan na mga friends at mga tao sa bahay. Kung tingin n’yo masungit ako, tinawag n’yo ako tapos hindi ako lumingon or hindi ko kayo na-notice, pwede kasing baka may ginagawa ako at that time. Or hindi ko narinig or kung nasaang lugar man tayo no’n baka kasi maingay. Tapos minsan naman kasi pagod ka, lutang ‘yung utak mo. Ako pa naman ‘pag pagod ako, para talaga akong masungit at ‘pag tinatawag ako hindi ko naririnig,” pagtatapat ng dalaga.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with