^

PSN Showbiz

Russian Movie sa outer space nagso-shooting, local cinemas hubaran pa rin ang uso

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ng madaling araw, nagulat kami sa balita na ang Russian actress na si Yulia Sherepild at ang kanyang director na si Klim Shipenko ay nakarating na sa international space station, para mag-shooting ng isang pelikula sa outer space. Iyan ang kauna-unahang pelikulang gagawin sa kalawakan.

May plano rin ang US na gawin iyan. Matagal nang plano iyan ni Tom Cruise na makipagtulu­ngan sa NASA, pero naunahan na sila ng Russians, na siyang talaga namang kakumpitensiya nila sa space exploration.

Sila sa outer space na ang shooting ng pelikula. Dito sa atin, kung saan-saan lang ang shooting ng mga tinipid na indie, na wala pang pambayad sa location kaya kung saan-saan na lang ang shooting nila.

Kulang sa budget eh, hindi pa mailabas sa mga sinehan kundi sa internet lang.

Kaya kung minsan maiisip mo, hindi lang tayo mukhang kawawa. Kawawa talaga tayo dahil ang industriya ng pelikula natin ay “backwards” ng mga isandaang taon. Ang mga pelikula natin, lalo na iyong karamihan sa mga ginagawa nga­yon ng mga hotoy-hotoy na director, masyadong amateur at walang ipinagmamalaki kundi ang pag­huhubad ng kanilang mga artista.

KC, ayaw umasa sa iba

Nag-post si KC Concepcion ng isang maikling video sa kanyang social media account habang siya ay naglalakad. Nasa US kasi si KC kaya puwede siyang maglakad-lakad nang ganoon lang. Dito sa atin hindi makakapaglakad-lakad iyan basta sa kalye.

Sabi niya sa kanyang caption ng vi­deo, “I’m independent but sometimes I want to be babied.”

Noong pakinggan namin ang sound ng video, sinasabi niya sa Ingles, “independent ako sa buhay ko. Hindi ako umaasa kahit na kanino. Sino ang magsasama sa akin sa susunod kong biyahe? Sino ang bibili ng bahay para sa akin? Sino mag-iintindi ng paglilinis at pag-aayos ng aking mga kuko? Wala kung di ako. Ako lang.”

Tama naman si KC. Bagama’t marami sa atin ang gustong maging independent, at ayaw nang may nakikialam sa ating buhay, minsan hinahanap din naman natin iyong may kasama tayong nag-aalaga sa atin.
Sa kaso ni KC, siguro nga nami-miss lang niya ang buhay niya noong araw, noong nabubuhay pa ang kanyang lola. Dahil noon para kay Mommy Elaine siya ang “nieta bonita” ng kanyang lola.

In fact, inaamin niyang ang hilig niya sa alahas, makeup at pagpopostura ay minana niya sa lola niya. Noon, bago siya lumabas ng bahay ay nagpapakita siya sa kanyang lola, na magsasabi sa kanya kung tama na o hindi ang ayos niya, at kadalasan nagpapagamit sa kanya ng alahas na bagay sa okasyong kanyang pupuntahan. Kaya kita naman ninyo si KC, kung pumorma simple lang pero may class.

Ngayon natutuhan niya ang mag-isang mag-asikaso kung ano ang kailangan niya. Siya ang naghanap ng apartment na pansamantala niyang titirahan sa US habang nag-aaral siya. Siya rin ang bumili ng lahat ng furniture na karamihan ay “do it yourself” o siya ang nagbubuo. At siya rin ang namamahala ng kanyang gastusin.

Kung iisipin, maaaring kumuha si KC ng isang magandang kotse, at kumuha ng driver niya at bodyguard, dahil siguro kung buhay pa ang kanyang lolo ay iyon ang ipipilit noon, pero gusto nga ni KC na maging independent at hindi iyong umaasa kahit na kanino. Tutal napatunayan na nga naman niyang kaya niya.

Kaya kasundo ni KC ang tatay niyang si Gabby Concepcion. Alam kasi ni Gabby kung kailan gagawin niyang parang baby ang kanyang anak kung magkasama sila, at alam niya kung kailan iyon dapat pabayaang gumawa ng sarili niyang desisyon.

Maedad na aktres, interesado sa ‘date for pay’ na aktor

Matindi rin naman ang dating ng isang may edad nang aktres. Narinig kasi niya ang ilang baklang kasama niya sa isang taping na pinag-uusapan ang isang poging male star na diumano ay “date for pay” ang trabaho ngayon.

Habang nire-retouch ng bading na make-up artist ang may edad nang aktres, nagtanong iyon sa bading kung totoo ang tsismis tungkol sa male star. Nang sumagot ng “oo” ang bading, nagtanong naman ang may edad na aktres kung magkano raw ang bayad at sino ang “booker.”

Diretsahan niyang sinabi sa bading na kung totoo ang tsismis, gusto rin niyang masubukan at maka-date ang poging male star.
Ang poging male star ay mas bata pa kaysa sa kanyang anak na lalaki.

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with