_ngayon
^

PSN Showbiz

Sharon, nag-private jet para dalawin ang anak na si Kakie! Ate Shawie, ‘di tuloy na nanay ni Julia?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nag-private jet para dalawin ang anak na si Kakie! Ate Shawie, âdi tuloy na nanay ni Julia?!
Sharon
STAR/ File

Si KC kaya pupuntahan din?

“Is she still in bed?,” tanong ng followers ni Sen. Kiko Pangilinan nang mag-tweet ito kasama ang mga anak habang nag-iihaw sa kanilang farm para sa almusal. “Breakfast kasama ang mga bata (Frankie, Miel, at Miguel) dito sa farm. BaconCooking. Studies show na kapag magkakasama kumain ang pamilya, makakatulong ito na makabawas ng stress sa’yong buhay.

“Have a happy and stress free Sunday sa inyong lahat! Sun with rays.”

Well obviously, hindi na-stalk ng followers ni Sen. Kiko na nasa Amerika si Ate Shawie para sa sorpresahin ang anak nilang si Kakie. “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!! Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs.!!!And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird!” habang nasa private jet ang actress / singer.

Meron pa siyang post habang nasa chopper  naman : “Plane lands in New Jersey, and we are flown by chopper to Manhattan! Woooow! “

Hmm, si KC kaya dadalawin din ni Ate Shawie? Sa Amerika ngayon naglalagi si KC at nag-aaral ng Gemology course.

Anyway, ibig sabihin kaya nito, hindi tuloy ang pagpasok ni Ate Shawie sa FPJ’s Ang Probinsyano  na hindi na pala babalik sa Ilocos ang grupo ni Coco Martin. Sa Las Casas de Acuzar na raw itutuloy ang taping nila ayon sa isang source. Kasalukuyan pang naka-taping break ang grupo kaya tipid na tipid daw ang bawat episode nito lately.

Kung sabagay, mas malapit ang Bataan kung saan matatagpuan ang heritage destination at kumpleto ang lugar. Ang ganda rin ng Las Casas de Acuzar, parang Ilocos. Matagal nag-quarantine sa Ilocos ang buong cast ng Probinsyano matapos na may nag-positive sa ibang hotel na occupied ng cast and crew ng Probinsyano na kaka-celebrate lang ng 6th anniversary.

Or baka naman sa susunod na cycle ng taping nila papasok ang actress na diumano’y gaganap na nanay ni Julia Montes.

KIKO PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with