_ngayon
^

PSN Showbiz

Lani, inaming lumalala ang pagkabingi

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Inaamin ni Lani Misalucha na hindi nag-iimprove ang problema niya sa pandinig at pakiramdam nga niya ay mas malala pa iyon ngayon kaysa sa dati. Iyan ang naging epekto sa kanya nang silang mag-asawa ay sabay tamaan ng bacterial meningitis.

Malaki ang epekto ng tao ng nawawalan ng pandinig. Una nagkakaroon siya ng balancing problem, dahil ang ating pandinig ang nagbibigay sa atin ng balance sa pagkilos. Kung nagkakaroon ka ng problema sa pandinig, tumayo ka lang ay mahihilo ka na.

Ang mas masakit, papaano pa nga ba siya kakanta? Papaano siya matututo ng mga bagong kanta kung hindi na niya marinig ang tamang tono? Papaano niya masasabayan ang accompaniment kung siya ay kumakanta? Sa ngayon na nakakarinig pa naman siya at kahit papaano ay nakakapag-perform pa rin bagama’t sinasabi nga niyang hirap siya. Pero papaano nga kung mas lumala pa iyon. May boses nga siya pero kung maging ang boses niya ay hindi na rin niya marinig, malaking problema.

Isyung pagpatol sa bakla ni Aljur, binubuhay!

Mukhang tinuldukan na nang tuluyan ni Kylie Padilla ang kanilang relasyon ng asawang si Aljur Abrenica. Nang siya ay tanungin kung ano ang reaksiyon niya sa mga bali-balita na may nakaka-date nang iba si Aljur, sinabi niyang “April pa po kami naghiwalay at nagkasundo na kaming malaya kaming makakapag-date kung kanino man namin gusto. Wala na kaming pakialaman doon. Ang mahalaga lang ay nasa ayos at masaya sa kanilang kalagayan ang aming mga anak.”

Kung sinu-sino na nga ang sinasabing ka-date ni Aljur.

Sa parte ni Aljur, wala siyang ibinibigay na statement pero halos araw-araw ay may live video siya sa social media na nagpapakitang siya ay nasa bahay niya at resort sa Batangas kung saan siya naglalagi pagkatapos ng hiwalayan nila ni Kylie. Minsan nakikita pa sa video ang kanilang dalawang anak na kasama niya sa bahay nila at nag­lalaro.

Pero sa kabila noon, tila masama pa rin ang tingin ng marami kay Aljur dahil paulit-ulit nilang sinasabi na sinira noon ang magandang kinabukasan ni Kylie sa show business at tapos ay iiwan lang pala. Iginigiit pa rin nilang may third party bagama’t wala namang lumulutang kung sino nga iyon.

Ang pinakamatindi ngang bintang ay may gay lover diumano si Aljur. Pero mabuti na rin at hindi na lang niya pinapansin ang mga iyon, tutal ano nga ba ang napatunayan nila sa kanilang mga tsismis. Ni wala nga silang maituro kung sino.

Isa pa, sino ba namang male star ang hindi natsismis na may gay lover, lalo na nga’t kung pogi at maganda ang katawan, natural iyang ganyang tipo ang hinahabol ng gays kaya ang mga ‘Marites,’ gumagawa agad ng conclusion kahit na wala pa naman silang napapatunayan.

Pero ang maganda ngayon nilinaw na ni Kylie na may kasunduan sila na malaya na ang isa’t isa hindi pa man sila kumukuha ng annulment ng kanilang kasal.

Ibig sabihin dahil sa kasunduang iyan, wala nang masasabing maaaring maging mabigat na problema sa kanilang bagong love life.

Bb. Pilipinas International rep., na-bash sa ‘naturally woman’

Maganda ang reaksiyon ng Bb Pilipinas International na si Hannah Arnold sa isang post na nag-announce ng kanyang pagkakapili para kumatawan sa bansa sa Miss International Pa­geant 2022. May naglagay kasi ng caption sa announcement na “naturally woman” na ipinalagay ng marami na isang pasaring sa Miss Universe Philippines na si Beatrice Gomez na umaming siya ay isang lesbian at may girlfriend na isang DJ sa Cebu.

Sinabi ni Hannah na naniniwala siyang hindi dapat sinasabi ang ganoon, bilang respeto sa pagkatao ng kahit na sino, kahit na kabilang pa siya sa LGBTQ o ano.

Siya ay isang babae pa rin, at isang Filipina, kaya hindi naman siya dapat na pinariringgan nang ganoon. Hindi naman niya kasalanan ang pagkakaroon ng ibang sexual preference.

LANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with