^

PSN Showbiz

Pokwang, umaming tuyot na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, umaming tuyot na!
Lee at Pokwang
STAR/ File

Masa-masahe na lang sa dyowang amerikano...

Kakatawa ang sagot ni Pokwang nang tanungin kung may plano pa ba siyang magkaanak sa partner niyang si Lee O’Brian. Meron silang isang daughter, si Malia, na three years old.

“Wala na pong laman ang balon, tuyot na. Hahaha. Active pa kami awa ng Diyos, oo pero wa na ang harot. Gusto pa sana, pero wa na eh. Ano na lang kami, loving loving ganun tsaka masa-masahe na lang kami, harot harot, ga­nern. Ang importante nandyan kami sa isa’t isa to support each other,” sabi kahapon ni Pokwang sa isang Zoom conference para sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Yes, back to work na si Pokwang kahit pandemic. May bills daw na kailangang bayaran, sunud-sunod. “Kailangan mong lumaban. Kailangan mong kumilos and at the same time nandun ‘yung pag-iingat and be responsible ‘di ba. Ingatan mo ‘yung sarili mo, ingatan mo ‘yung pamilya mo lalung-lalo na ‘yung kalusugan mo ‘di ba. Mag­dagdag ka ng vitamins pak! pak! pak! Ganyan tapos ‘yung protocol ‘pag sinabing ganito, sumunod tayo ‘di ba. Kung gusto natin mabuhay lumaban sa ekonomiya ingatan natin ang sarili natin,” katuwiran ng komedyante na abala rin sa kanyang negosyong mga pagkain na ang nagsu-supervise ay ang partner niya.

Nagpaliwanag din si Pokwang sa mga bumibirang bakit ngayon lang siya nagparehistro, kung kailan may edad na.

Ayon kay Pokie, hindi siya first-time voter kaya siya nagpa-register, transferee lang daw siya sa Antipolo since matagal na siyang nakatira doon. “Dati na akong bumoboto kaya natawa ako sa sinabing ‘ang tanda mo na, ngayon ka lang nagparehistro.’ No!”

Dagdag niya pa : “hindi po ako first-time voter. Nagkataon lang na wala pa pong social media noong mga panahong bumoboto kami. ‘Di ba? Nagkataon lang na wala pa pong Instagram noong mga panahon na bumoboto o nagpaparehistro po kami.”

Kasama nga si Pokwang sa maraming artista na naghihikayat na bumoto para magkaroon ng boses sa mga ihahalal sa 2022.

Anyway, nagpapasalamat siya at kahit nasa GMA 7 siya ay wala siyang sinunog na tulay sa ABS-CBN.

“Napakaliit ng industriya dapat i-friend mo lahat. Kasi ako nagulat ako nung birthday ko syempre nasa Kapuso na po ako ‘di ba. Nagulat ako kasi may mga boss pa rin po ako sa kabila na nagpadala ng bulaklak, na nag-greet sa akin so ibig sabihin walang masamang tinapay. Salamat po, dapat ganon po tayo and kagaya ng sinabi ko napakaliit lang po ng mundong ginagalawan natin. Hindi mo alam kung sino makakatrabaho mo ngayon, bukas, sa darating na ano so dapat friend ka sa lahat,” paliwanag niya pa.

Sunud-sunod ang trabaho ni Pokwang sa GMA ngayon.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with