^

PSN Showbiz

Rabiya napaluhod sa final walk, dalawang kandidata ng MUP sumuway sa rules!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rabiya napaluhod sa final walk, dalawang kandidata ng MUP sumuway sa rules!

Mapapanood ang buong journey ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV sa paghahatid nila ng mga kaganapan mula preliminaries hanggang coronation night.

Sariwain ang naging winning performance ni Bea sa coronation night simula sa Linggo (Oct. 3), 6 p.m. at ang kanyang naging sagot sa final Q & A na nagpapanalo sa kanya ng korona.

Dito ay tinanong siya kung paano siya magpapatuloy magbigay ng inspirasyon sa mga tao bilang Miss Universe Philippines 2021 kung sakaling dumaan siya sa panahon ng kalungkutan. Sagot niya, “It is very evident that all of us went through difficulties during this pandemic, but it is also proof that we are able to rise to the occasion, and if anything happened to me during my reign, I will not give up and inspire others by rising to the problems that I am encountering and by inspiring them that what you are going through, you will be able to overcome it.”

Tulad niya, lumutang din ang ganda at talino ng mga kapwa niya finalist na sina Miss Universe Philippines Tourism 2021 Katrina Dimaranan ng Taguig, Miss Universe Philippines Charity 2021 Victoria Velasquez Vincent ng Cavite, first runner-up Maureen Christa Wroblewitz ng Pangasinan, at second runner-up Steffi Rose Aberasturi ng Cebu sa kanilang mga sagot.

Malungkot naman ang fans ni Kisses Delavin na naging maingay ang pangalan sa social media sa umpisa ng elimination round dahil hanggang Top 10 lang ito nakasama.

Mapapanood rin sa coronation night ang final walk at mga sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang pagpasa ng korona kung saan napaluhod pa si Rabiya sa kalagitnaan ng kanyang final walk pero parang walang nangyari at idiniretso ang kanyang pagrampa matapos ang naturang eksena.

Samantala, hindi pinangalan ni Dr. Vicki Belo pero may dalawang kandidata na nag-violate sa rules ng pageant. “Naku, I have chismis for you. Two candidates broke the rules kanina and had their makeup done somewhere else.

“But I can’t tell you who they are. But that’s not good, breaking rules,” sabi ni Dra. Belo na isa sa mga nagsilbing hurado.

May first on-screen project pala ang magdyowang sina Catriona Gray and Sam Milby.

Pareho silang nag-post habang nasa plane “Sooo excited to be seeing more of the world with my second favourite adventure buddy (first of course, is mama @mitagray)! Its been a long trip but such a relaxing and seamless one thanks to @emirates

“Which part of the world are @samuelmilby and I off to for our first on-screen project together?  Follow? @globalchildtv for updates,” sabi ni Catriona.

BEATRICE LUIGI GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with