_ngayon
^

PSN Showbiz

Mayor Vico, nagagalit sa Kapamilya ‘pag nanghihingi ng tulong

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Simula kahapon ay nakatutok na ang lahat sa mga nagpa-file ng kanilang Certificate of Candidacy.

Walang kaabug-abog ay kaagad na nag-file na ang Pasig City Mayor Vico Sotto ng kanyang COC bilang alkalde pa rin ng naturang lungsod sa pangalawang termino.

Bahagi ng mahaba niyang post sa kanyang Facebook account; “Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, ‘di naman kailangan ng drama at suspense. Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.”

Sinamahan si Mayor VIco ng kanyang magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Nandun ang suporta ng buong pamilya, pero pagdating sa panunungkulan niya sa Pasig ay hindi siya pinapakialaman at ng kanyang pamilya.

Ang dinig ko nga, nagagalit si Mayor Vico kapag may miyembro ng pamilya na tumatawag sa kanya para humingi ng pabor o merong ipinapakiusap. Kaya wala talagang nangahas na tumawag o kahit mag-text kapag may hinihinging pabor.

Ilan din sa mga kaibigan naming may negosyo sa Pasig ang bilib sa pamamalakad ni Mayor Vico, dahil malinis daw talaga at hindi nahahaluan ng corruption.

Iba rin naman talaga kapag bata pa ang nanunungkulan sa isang gobyerno kagaya ni Mayor Vico, Mayor Joy Belmonte ng Quezon City at mangilan-ngilan pang ibang pulitiko hindi nadadala ng trapo.

Gabby, excited sa Yaya 2…

Ipinost ni Gabby Concepcion kamakailan lang sa kanyang Instagram account ang virtual mee­ting ng buong cast at production staff ng First Yaya. “Magsisimula na!!! #SaMulingPagkikita,” aniya.

Ang sabi nila, magiging First Lady na raw ang title, dahil napangasawa na ng presidente ng bansa na si Pres. Glen Acosta si Yaya Melody, kaya magiging First Lady na ang dating yaya na ginagampanan ni Sanya Lopez.

Lahat ay masaya, at nahingan nga namin ng pahayag ang isa sa cast na si Analyn Barro na gumaganap bilang si Gemrose, ang malditang kapatid ni Melody.

Sabi ni Analyn; “Nung natapos ang First Yaya, hindi kami humihinto sa pag-update. Buhay na buhay pa rin ‘yung group chat, at mas lalong nabuhay nung nalaman naming ‘uy tuloy na tuloy na pala talaga ‘yung book two. Kaya naman sobrang excited kami, at mas marami pa silang aabangan sa kanya-kanyang character, at ‘yun nga, si Gemrose tuloy ang pagmamaldita.”

Isa si Analyn sa nag-renew ng kontrata sa GMA Artists Center kasama ang iba pang mga Kapuso artists, kagaya nina Luanne Dy, Denise Barbacena, Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Jose Sarasola, at marami pa.

Rita at Ken, mas minahal ang isa’t isa

Ngayong gabi na magsisimula ang 4th season ng The Clash, na sabi nga ni AiAi delas Alas, mas maraming magagandang contestants ngayon.

Naaliw kami sa tambalang Rita Daniela at Ken Chan na Journey hosts sa naturang competition na nakikitang mas kumportable na sila sa isa’t isa.

Sa nakaraang mediacon ng The Clash ay inamin ng dalawa na ngayong pandemya ay napapadalas pala ang kanilang away at tampuhan.

Hindi lang nila idinetalye kung ano ang madalas nilang pinag-awayan pero sabi nga ni Ken, kung sa 4th season pa lang ang The Clash, ang clash naman daw nila ni Rita ay pa-season 5 na.

Ani Rita;“Sa amin nga parang there’s something weird in our relationship kasi parang hindi tayo nag-aaway. Hindi nagkatampuhan.

“But, I think this is the year kung kailan nangyari… itong talaga ang taon na ang dami naming away, tampuhan lahat na.”

Naniniwala kasi si Ken na hindi nawawala ‘yun sa isang pamilya. Parang pamilya na kasi ang turingan nilang dalawa.

Mas nakakatakot nga raw kung hindi sila nag-aaway ko nagkakatampuhan.

Sabi naman ni AiAi, kapag nagkakatampuhan daw ang dalawa, si Rita raw ang unang naglalambing, pero mas maraming lambing daw si Ken.

VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with