^

PSN Showbiz

‘I’m still waiting for ABS-CBN to have free tv’

SHOWBIZ NEW NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

‘Hindi totoo na lilipat ako..’

Maraming mga TV personality ang naglilipatan sa iba’t ibang istasyon mula nang hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN ng Kongreso noong isang taon.

Ngayon ay isa rin kami sa napabalitang posibleng lumipat upang muling mapanood sa free TV. I have been in discussion with various parties, including people who are affiliated with 7. I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated with TV5. I’ve been negotiating with other independent producers to do talk shows. But I’m still waiting for ABS-CBN to have free TV.

I will wait. If halimbawa, free TV ang ABS, we wouldn’t even be talking about this. Iyon lang naman ang inaantay ko. I miss television. I miss doing my talk shows on television. So kung walang-wala na talaga, eh di mag-a-apply na ako sa iba. Pero sa ngayon, hindi totoo ‘yon,

Matagal din kaming naging talk show host sa GMA 7 noon bago pa tuluyang napunta sa Kapa­milya network. Hindi ko alam kung bakit pumuputok ngayon ‘yan. Nahihiya tuloy ako sa Channel 7. Wala namang offer sa akin ang Channel 7. Hindi totoo na lilipat ako ngayon, pero hindi ko itinatatwa na merong mga pag-uusap in the past with people connected to various stations. Pero nothing happened, nothing came out of it because it was too early in the game. Ang sinasabi ko, maghihintay ako hanggang magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN. Mahirap magsalita nang patapos, pero right now the answer is no.

Miles at Michelle, bibidang magkarelasyon

Sa Oct. 23 ay isang kakaibang kwento ng pagmamahalan ang itatampok sa Maalaala Mo Kaya. Pagbibidahan ito nina Miles Ocampo at Michelle Vito na gaganap bilang sina Sarah Garcia at Tanch Lobete sa tunay na buhay. “No’ng in-offer po sa akin ‘yung role, sobrang excited ako kasi nga first time ko pong gumawa ng ganitong klaseng role. Actually since meron po silang mga vlogs, pinanood ko po para makita kung paano sila sa isa’t isa,” pahayag ni Miles na gumanap bilang si Sarah.

Malaking bagay umano para sa aktres na kumportable na siya kay Michelle bago pa simulan ang kanilang taping. May mga pagkakataon na nagtatawanan na lamang sina Miles at Michelle pagkatapos kunan ang mga eksena nilang dalawa. “’Yung role hindi ako nag-question. Ang tinanong ko kung sino ang makaka-partner ko. Kasi maganda ‘yung story, kapag hindi ka kumportable sa kasama mo or alam mo na mahihirapan ka, mahirap gawin ‘yung story. No’ng sinabi sa akin na si Michelle, na-excite na ako and siyempre hindi po maiiwasan na matatawa kami ni Michelle sa eksenang ginawa namin. First time po namin to do ‘yung role na ganito po. With the help of direk, sinasabi naman niya sa amin na ‘yung sincerity dapat makita. Kasi eventually lalabas ‘yung pagmamahalan and kilig, lalabas sa story,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with