_ngayon
^

PSN Showbiz

Jennylyn tahimik pa sa pagbubuntis?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn tahimik pa sa pagbubuntis?!
Jennylyn.

As of presstime ay wala pang pahayag ang GMA 7 o kampo ni Jennylyn Mercado kaugnay sa kumalat na isyung buntis ito.

Nagsimula lang ito sa blind item, na na-pack up nga ang taping ng Love. Die. Repeat nina Jennylyn at Xian Lim dahil nagkaroon nga diumano ng medical emergency kay Jennylyn.

Hindi ipinaliwanag kung ano ang dahilan kung bakit siya pinick-up ng ambulansya at ipina-check up sa doktor. Pero tama ngang last week pa pala sila na-pack-up at pinauwi muna ang buong cast at production staff.

Nagtanung-tanong pa kami sa ilang may kinalaman sa production, pero wala silang maibigay na sagot sa amin.

Ang narinig namin, magbibigay ng statement ang GMA 7, pero wala namang sinasabi.

Hiningan namin ng reaksyon ang leading man ni Jennylyn na si Xian Lim, pero ipapaalam pa raw niya sa kanilang EP kung okay lang na sagutin niya ang mga tanong ko.

Expected na naming hindi siya papayagan.

Naintidihan naman si Xian na ayaw niyang makialam, at nakikisama pa siya sa produksyon lalo na kay Jennylyn, at first project niya ito sa GMA.

Sa ngayon ay naka-standby lang sila pagkatapos na i-pack up ang kanilang taping. Naghihintay lang kung ano ang magiging desisyon ng network kaugnay dito.

Ang nakita pa lang namin so far ay ang post ni Jennylyn sa kanyang Facebook account kamakalawa lang na ipinost ang eksena nila sa tini-tape na soap kaeksena si Xian.

Nasa caption nito; “Sometimes things get complicated. #LoveDieRepeat”

Sa Instagram naman niya ay nag-post lang siya na nagpa-facial sa Belo clinic, kaya may mga nagtatanong na akala raw nila ay nasa hospital siya, at kung buntis ba ito.

Pero mas marami ang natuwa kung totoo nga bang buntis, dahil dapat din naman daw na magkaroon na sila ng baby ni Dennis Trillo.

AiAi, pipiliting magkaanak pagtira sa Amerika!

Sa darating na Sabado, October 2 ay magsisimula na ang The Clash Season 4. Mas lalong na-excite ang mga nasa Clash Panel na sina Lani MIsalucha, Christian Bautista at AiAi delas Alas, dahil may mga nakita na silang may kakaibang talent sa pagkanta.

“Merong ilan na na-impress ako sa boses, na na-impress ako sa capability, pero dahil nga pang-apat na namin ‘to, there are so many times na kung sino ang napipili namin na sa tingin sa first round ay okay, hindi laging nakakaabot sa fourth round,” pakli ni Christian.

“Alam n’yo minsan not until the very last performance hindi mo masasabi kung sino talaga eh. Kasi nangyari na sa amin ‘yan before, na hindi mo aakalaing siya yung papasok. Kasi at the very last minute, iba na ‘yung aura niya, iba na ‘yung dating niya, iba na ‘yung binigay niya. Ganun minsan eh. Minsan may dark horse din na alam mo at the very last day dun lumalabas.

“Sa ngayon parang it’s early to say na meron na ba o wala,” sabi naman ni Lani.

Pero ang isa sa napansin ni AiAi ay ang dami raw magagandang finalists. “Sa totoo lang, this season 2021, napakadaming magandang babae. Ang daming maganda talaga, pang-artista. Kaya excited din kami kasi magaganda sila.”

Pagkatapos nitong 4th season ng The Clash ay magpu-focus na nga si AiAi sa kanyang citizenship sa Amerika.

Isa kasi sa plano niya ay i-petition na niya ang asawa niyang si Gerald. Ani AiAi; “Sa totoo lang, ngayon pa lang ako magiging may asawa, na ang priority ko si Gerald. Bukod sa ipi-petition ko siya, kailangan niya din ng kasama dun sa Amerika.

“Alangan naman na nandito ako, nandun siya.

“Diyos ko bakit pa kami na maging mag-asawa?

“Saka kasi, ngayon lang din ako magpu-full blast ng green card ko. 2015 pa kasi yung green card ko. So, kung bibilangin mo nung 2020, five years na ako, dapat citizen na ako.

“So, ngayon ko siya talaga bubunuin. Kasi binigyan naman ako ni Lord ng pagkakataon na magkaroon ng green card, tapos sasayangin ko lang. So, gagawan ko siya ng paraan ngayon.”

Kapag nakabase na nga silang mag-asawa sa Amerika, isa sa gusto na nilang karerin ay ang magka-baby kahit sa paraan ng surrogacy.

“Oo lahat yan planado na sa gagawin namin sa Amerika. So, iyun lang. Prayers lang and everyday na hope na lahat na ‘to ay magiging maganda. Pray pray lang kay Lord,” sabi pa ni AiAi.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with