_ngayon
^

PSN Showbiz

Dennis at Jennylyn, pakakasal na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis at Jennylyn, pakakasal na!
Jennylyn at Dennis.

Uy pakakasal na rin diumano very soon sina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Ayon sa source, matagal-tagal na raw itong pinag-uusapan ng magka-relasyon pero hindi nga lang daw masyadong makuwento si Dennis. More than six years na rin ang relasyon nila.

Nauna nang inamin ni Dennis na mas naging malalim ang relasyon nila ng actress ngayong pandemya.

Kung sabagay, tatay na tatay na rin naman talaga si Dennis sa anak ni Jennylyn. Noong walang pandemic, sa tuwing may school event ang anak ni Jennylyn (si Patrick Garcia ang real father) si Dennis ang andun at kasa-kasama ni Jennylyn sa event.

Anyway, burado na ang post ni Dennis days ago kung saan may nakita si Jennylyn sa inorder niyang pagkain na dalawang piraso ng bubog.

Walang binanggit na pangalan ng restaurant or online seller si Dennis or Jennylyn.

Madalas daw kasing magpa-deliver ng food si Dennis sa taping ni Jennylyn ng Love.Die.Repeat na ngayon ay naka-break. Leading man ng actress dito si Xian Lim at first project ito ng actor sa GMA 7.

 

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with