_ngayon
^

PSN Showbiz

Piolo, pipirma ulit ng kontrata sa Kapamilya!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, pipirma ulit ng kontrata sa Kapamilya!
Piolo
STAR/ File

Just to put this to rest, I’m not going anywhere,” sabi ni Piolo Pascual last July sa kanyang interview.

True enough, Kapamilya forever siya.

Today, naka-schedule pumirma ulit ng network contract sa ABS-CBN ang ultimate heartthrob.

Maaalalang sumama si Piolo kay Mr. Johnny Manahan nang gawin nila ang Sunday Noontime Live sa TV5 pero hindi nagtagal ang nasabing noontime show ng production ni former Congressman Albee Benitez. Pinalitan ito ng ASAP.

Katuwiran noon ni Piolo, sumama lang siya sa tatay-tatayan niyang si Mr. M. At nang pumirma ng kontrata sa GMA sina Mr. M and Bea Alonzo ay sumagot na nga si Papa P na hindi siya aalis sa Kapamilya kahit nga wala itong franchise sa kasalukuyan.

Nakalatag na raw ang gagawing serye ni Papa P.

Ngayong araw din naka-schedule ang contract signing ni Lovi Poe sa Kapa­milya Network.

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with