_ngayon
^

PSN Showbiz

Tinawag na propagandista, Toni ayaw magpaliwanag sa interview kay Marcos

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Tinawag na propagandista, Toni ayaw magpaliwanag sa interview kay Marcos
Toni
STAR/ File

The more na nagre-react ang netizens the more na lumalaki ang kita ng mga vlogger.

At ang latest hot item sa social media users ay si Toni Gonzaga sa kanyang interview kay Sen. Bongbong Marcos.

Kino-question kung bakit kailangang parang pinapaganda ang image ng anak na senador ng dating dictator na presidente ng bansa sa The Greatest Lesson Bongbong Marcos Learned From His Father | Toni Talks vlog ng TV host.

Sobrang trying hard daw ang pagiging neutral and objective ni Toni sa nasabing interview na itinaon sa nalalapit na anniversary ng martial law at animo’y gustong kalimutan ang ginawa nito sa mga kababayan natin.

Dahil doon nag-trending ang nasabing interview ni Toni sa kanyang YouTube channel na umabot na sa 4 million ang subscribers.

At fter two days, more than a million na ang views ng nasabing video.

At ang sagot lang ni Toni, “I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibi­lity anymore... I feel like I don’t have anymore, the need to explain, to prove, to defend and to hide. Because I have nothing to hide I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”

‘Yun ang sagot niya sa cancel culture ng iba at sa tawag sa kanyang Marcos apologist.

Actually, ang pinaka-the best na puwedeng gawin kung ayaw n’yo, ‘wag panoorin.

Kilalang Marcos loyalist sina Toni at husband niyang si Direk Paul Soriano and in fact, ninong pa nila ang senador sa kasal.

But anyway, walang ginawa ang mga netizen kundi mag-comment sa social media account nila, ang ending trending din si Toni.

Kaya mas maraming nakapanood at kumita pa siya.

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with