_ngayon
^

PSN Showbiz

Lani, damage na lang ang naiwan nang magkasakit

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lani, damage na lang ang naiwan nang magkasakit
Lani
STAR/ File

Magbabalik bilang judge sa papalapit na fourth season ng original musical competition ng GMA Network na The Clash si Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Masayang ibinahagi ni Lani sa Unang Hirit na muli siyang babalik bilang judge sa well-loved singing competition, “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. Okay naman kami pero, siyempre, tulad nung kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage ‘yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”

Matatandaan na kinailangang huminto ni Lani bilang judge last season. Ayon kay Lani, nagkaroon siya ng bacterial meningitis kaya ilang araw din siyang na-confine sa ICU ng isang ospital.

Kasunod ng kumpirmasyon ng pagbabalik ni Lani sa The Clash Season 4, ibinahagi rin niya ang ilang expectations sa bagong Clashers.

Aniya, “Ganon pa rin naman ang gusto ko, mayroong unique na boses, ‘yung nandoon ‘yung maganda ang pag-deliver ng kanyang pagkanta na parang lahat ng emotions nandoon. Kung ano ‘yung nararapat na emotions sa kanta, nandoon ‘yung maibibigay niya. Ganon pa rin ang hanap ko, uniqueness sa voice and sa performance.”

Kabilang din sa The Clash panel of judges sina Asia’s Romantic Balla­deer Christian Bautista at Comedy Queen AiAi delas Alas.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with