_ngayon
^

PSN Showbiz

John Lloyd, pinag-aaralan pa ang kontrata sa GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, pinag-aaralan pa ang kontrata sa GMA!
John Lloyd
STAR/ File

Ipinarating sa akin ng isang taong malapit kay John Lloyd Cruz na inaayos na raw ang sitcom na gagawin niya sa GMA 7. Ayon sa aming source, natanggap na raw ng dating Kapa­milya actor ang kontrata at pag-aaralan pa nila.

Hindi lang nilinaw sa akin kung kontrata para sa sitcom na ‘yun o network contract na sa GMA 7. Wala pa naman daw pinag-uusapan tungkol sa pagiging exclusive artist ni Lloydie sa Kapuso network, pero uunahin lang daw muna ang sitcom na gagawin niya.

Kung okay daw ang working relationship nila sa sitcom nito, posibleng magkakapirmahan ng network contract. Pero depende pa rin naman daw ‘yun kung magkakasundo sa lahat ng bagay lalo na sa talent fee.

Pagkatapos kay Bea Alonzo, si John Lloyd na ang inaasahang susunod na papipirmahin ng GMA 7, at sana nga matuloy na ito.

Samantala, itinatanggi naman ni Bea ang sinasabi ng ibang netizens na baka sumunod daw sa kanya si Dominic Roque. Wala naman kasing naka-line up ang aktor sa Kapamilya network, at hindi napapabalitang may gagawin itong teleserye o ano mang programa.

Lovi at Piolo, magtatambal?!

Ngayong araw na nga raw ipapakilala ang bagong Kapamilya na mula sa Kapuso network. Si Lovi Poe lang ang hinuhulaan ng lahat, at matagal na rin itong pinag-uusapan. Walang sagot ang kampo ng aktres sa isyung ito.

Mukha namang totoo. Pero hindi lang alam bakit sila umabot sa ganitong desisyon gayung may counter-offer naman ang GMA 7.

Nakakapanghinayang din dahil homegrown talent talaga ng GMA 7 si Lovi at isa siya sa pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon.

Marami pa namang puwede pang gawin sa GMA 7, pero desisyon nila ‘yun, at ewan ko kung susunod na rin ba si Solenn Heussaff, dahil siya na lang yata ang natirang talent ni Leo Dominguez sa Kapuso network.

Ang nasagap naming unang gagawin ni Lovi sa Kapamilya network ay isang teleseryeng pagsasamahan nila ni Piolo Pascual. Nasilip din sa social media ang virtual meeting ng aktor sa ilang executives ng Kapamilya channel.

Ken at Sanya, lutang ang chemistry

Nag-trending ang #KenSanya-RegalStudioPresents at #GMA­REGALStudioPresents sa Twitter nung nakaraang Sabado.

Maganda ang feedback sa pilot episode nito nung nakaraang  episode at nakitaang may chemistry rin pala sina Ken Chan at Sanya Lopez.

Sa darating na Sabado, Sept. 18, ng 8:30 ng gabi ay mapapanood naman sa Regal Studio Presents ang cute na kuwento ng Raya Sirena tampok ang bagets loveteam nina Sofia Pab­lo at Allen Ansay.Siyempre, nakabantay raw ang magulang ni Sofia nung nag-Boracay sila.

GMA JLC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with