_ngayon
^

PSN Showbiz

Marian, masipag na endorser!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Alam ni Marian Rivera ang obligasyon niya bilang endorser ng produkto pati na ang mga anak.

Eh dahil limitado na ang TV exposure ng endorsements ni Yan at mga anak niyang sina Zia at Sixto, kasama nang venue ng exposure ang social media accounts ng mga artista.

Eh nabasa namin sa Instagram ni Manay Lolit Solis na may pagtatampo umano si Rhei Tan-Anicoche ng Beate­derm sa ilang kinuhang endorsers na celebrities ng Beautederm.

Pero ibang-iba sa kanilang lahat si Ma­rian. Masipag at todo promote sa kanyang IG ng mga produktong nagtiwala sa kanya.

No wonder, patuloy ang renewal ng kontrata ni Yan bilang endorser ng nasabing produkto, huh!

Naku, take it from Marian! Dapat lang siyang tularan!

Karelasyon ni Mahal, tutuparin ang pangako kay Mura

Itinuloy pala ng partner ni Mahal na si Mygz Molino ang pagtulong kay Mura, ang naging partner at tinulungan ni Mahal bago pumanaw.

Ligtas na si Mygz sa COVID-19 at ang pamilya niya. Sa kanila kasi tumira si Mahal at napamahal na rin sa kanila.

Kaya kahit wala na si Mahal, misyon ni Mygz na tulungan si Mura na pangako rin niya bago mamaalam sa mundo si Mahal.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with