_ngayon
^

PSN Showbiz

OPM hitmakers, magbabalik-tanaw sa GV with Edu!

Pilipino Star Ngayon

Usapang musika naman ang dapat abangan sa Good Vibes With Edu nga­yong Linggo (Setyembre 19), 8:00 p.m. sa Metro Channel tampok ang OPM hitmakers na sina Hajji Alejandro, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga.

Kasama ang talk show host na si Edu Manzano, pag-uusapan ng mga batikang mang-aawit ang halaga ng musika sa paghahatid ng good vibes sa panahon ng matinding pagsubok. Syempre, hindi rin mawawala ang masa­yang pagbabalik-tanaw nila sa pagkakaibigan na nabuo dahil sa musika.

Tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala, si Hajji ang nagpasikat ng classic OPM songs na Nakapagtataka, Kay Ganda Ng Ating Musika at May Minamahal.

Isa rin sa naging tanyag na balladeers ng bansa si Marco na nagbigay-buhay sa mga kantang Always, Si Aida, Si Lorna, O Si Fe, at My Love Will See You Through.

Isa pang OPM legend si Nonoy na sumikat sa mga hindi malilimutang kanta na Doon Lang, Kumusta Ka, Never Ever Say Goodbye at iba pa.

Patuloy ang Good Vibes With Edu sa paghahatid ng good news at inspirasyon ngayong pandemya sa pamamagitan ng pakikipag-kumustahan at pakikipagkulitan ni Edu sa kanyang celebrity guests.

“In the middle of this pandemic, we continue to find ways to help us to de-stress, to relax, and to stay focused,” ani Edu sa season 2 premiere ng programa noong Linggo tampok ang kwelang kwentuhan tungkol sa pag-aalaga ng halaman bilang paboritong pastime ng mga Pinoy kasama ang celebrity plantitas na sina Aubrey Miles, Daphne Oseña-Paez, Gretchen Fullido at Karel Marquez.

“Let’s continue to plant some good vibes for everyone,” dagdag pa ni Edu.

Gua Ai Di... mapapanood uli sa MPK

Muling mapapanood ang Gua Ai Di/ I love you: The Richard and Melody Yap Love story na isang kwento nang pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala.

Pagpili sa pagitan ng pamilya at minamahal. Ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki.

Alamin ang mga pinagdaanang hirap masunod lamang ang puso.

Tunghayan ngayong Sabado, ang masalimuot na pagmamahalan nina Richard at Melody Yap na pinamagatang Gua Ai Di/ I love you: The Richard and Melody Yap Love story.

Pinagbibidahan ito ng mga Kapuso stars na sina David Licauco at Shaira Diaz.

Sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco, at matin­ding pananaliksik ni Angel Launo.

OPM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with