_ngayon
^

PSN Showbiz

Marian, nasundan lahat ng mga first ni Ziggy, ang paglaki ni Zia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, nasundan lahat ng mga first ni Ziggy, ang paglaki ni Zia
Dantes Family
STAR/ File

Ang sarap ng buhay ni Marian Rivera. Hindi siya na-bore nitong pandemic dahil sa dalawang angels niya na sina Zia at Ziggy. Imagine na dumaraan ang mga araw na personal niyang nakikita ang mga bagong bagay na ginagawa ng mga anak nila.

‘Yung lahat ng changes kay Ziggy nakita niya. Hindi ba wonderful experience ‘yung para sa isang ina.

Ang suwerte ni Marian, at napakasuwerte rin nina Zia at Ziggy. ‘Yung kahit top stars ang mga magulang nila, heto at nasa tabi nila habang lumalaki sila, hands on talaga, lalo na si Marian na para bang mas gusto pang mag-alaga ng mga anak kesa magtrabaho.

A wonderful mother indeed. Suwerte ni Dingdong dahil hindi lang good wife ang nakuha niya, an ideal mother talaga.

Free tv, affected ng internet

Pati si Maricel Soriano meron na ring vlog ngayon. Talagang social media na ang sagot sa nagaganap ngayon na parang quiet life ng showbiz. Walang mga bagong pelikula, kahit ang viewership ng free TV affected dahil sa internet platforms.

Totoong merong addicted na sa Netflix at sa HBO Go, pero mas common ngayon ang mas nano­nood na lang sa kanilang phones. Malakas ang vlogs dahil hindi ba sabi nga nila malaki ang kinikita rito nina Alex Gonzaga at Ivana Alawi.

Ngayon nga, pati si Maricel Soriano pasok na sa vlogging. Hindi na nga siguro babalik ang golden days ng Philippine cinema. Siguro nga papunta na tayo ngayon sa stage kung saan iba na ang taste ng mga tao at iba na rin ang gusto nilang mapanood.

Mas mabilis nang magbago ang taste nila, dahil madali na silang magsawa kaya dapat sabayan mo talaga.

Changes. Iyan ngayon ang nagaganap sa paligid natin. Kaya dapat alisto para hindi maiwan.

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with