_ngayon
^

PSN Showbiz

Aktor, inako pati ang kasalanan ng ex para maisalba ang career ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit ano ay gagawin ng magulang para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kahit ano, kahit laban ‘yun sa kanyang kalooban, lahat ay kayang gawin ng magulang para sa mahal niyang anak.

Ganu’n mismo ang naganap sa isang kilalang male personality na handang akuin ang lahat para lang huwag maapektuhan ang karera ng kanyang anak.

Kuwento ng aming source, “Inako na niya talaga ang lahat-lahat ng pagkakamali. Alam naman natin na hindi lang siya ang dapat sisihin sa hiwalayan nila ng isang female persona­lity na nanay ng mga anak niya, pero para sa ikatatahimik ng lahat, inamin na ng male personality na siya lang ang dapat sisihin at hindi ang ex niya,” mahabang simula ng aming impormante.

Magulo ang mundo ng pamilya. Dahil sa kanilang ina nakapisan ang mga anak ay natural lang na lumayo ang loob ng mga bata sa kanilang ama.

Patuloy ng aming source, “Hindi simpleng paghusga ang pinagdaanan ng male personality, kumakain siya ng sumbat mula umaga hanggang gabi. Tinanggap niyang lahat ‘yun.

“Pero nabaligtad ang resulta nu’ng bandang huli na. Hindi na siya ang sinisisi, ang naging nega ang dating, e, ang anak niyang pansin na pansin ng buong bayan na walang respeto sa tatay niya!

“Biglang nabaligtad ang scenario, ang bina-bash na, e, ang anak niya, matitindi ang paghusga sa girl, tinawag siyang alibughang anak, walang respeto, walang utang na loob!” madiing komento ng aming source.

Biglang pumasok sa eksena ang isang kilalang personalidad sa showbiz, ito ang gumawa ng paraan para ayusin ang relasyon ng mag-ama, kailangan ‘yun para lumambot ang puso ng publiko sa anak ng male personality.

Sabi uli ng aming impormante, “Hindi kayang tanggihan ng male perso­nality ang request ng big man ng showbiz, malaki ang utang na loob niya sa taong ‘yun.

“So, inako ng male personality ang lahat-lahat ng pagkakamali sa paghihiwalay nila ng ex niya, kung meron man daw kailangang ipako sa krus, e, siya ‘yun!

“May project kasi ang anak niya, malaking epekto sa career ng anak niya ang pagiging nega, mahal ng aktor ang anak niya, kaya pumayag na siya sa hiling ng big man ng showbiz.

“Ang nagagawa nga naman ng pagmamahal ng magulang sa kanyang anak. Lahat, e, lulunukin niya, maisalba lang ang anak niya sa kanegahan.

“Pero sana naman, e, respetuhin na niya ang father niya. Sana naman, e, magpakita na siya ng pagmamahal sa tatay niya na ginawa na ang lahat-lahat, mabaklas lang ang kanegahan sa image niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sec. Roque, nakadagdag sa ‘depression’

neil arce kumasa na sa taga-pamahalaang personal ang atake kay Angel!

Sobrang nagiging pikon ngayon ang mga taong dapat nagbibigay ng magandang ehemplo sa ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.

Tanggap naman natin ang katotohanan na lahat ay apektado ng kahirapan, ngayon lang natikman ng ating bayan ang ganito katinding pagdarahop, grabe ang ating pinagdadaanan.

Pero kapansin-pansin na maraming taga-gobyerno ang napipikon. Ang pagsigaw nang pabalang ni Spokesman Harry Roque sa hanay ng mga doktor ay hindi kalimut-limot.

Nanghingi naman ito ng dispensa, nadala lang daw ito ng kanyang emosyon, pero ang hindi nito nakayanang emosyon ay nakapanghiya na at yumurak sa damdamin ng mga heath workers natin.

Heto pa ang isa, si Undersecretary Mon Cualoping, na dahil sa sinsero ng opinyon ni Angel Locsin ay tinawag ang aktres na “no brain cells at all.”

Ano na ba ang nangyayari sa ating bayan? Puro persona­lan na ang nagiging laban? Bakit hindi sagutin ng mga taga-pamahalaan sa maayos at marespetong paraan ang sigaw ng bayan?

Ayun, hinahamon ni Neil Arce ang matabil at namersonal na undersecretary, magkita raw sila sa isang lugar na walang dala-dalang armas at mga bodyguards. Sila raw ang magharap.

Kahit naman sinong asawa ay masasaktan kapag tinawag na no brain cells ang kanyang misis. Sa terminong kanto, bobo si Angel Locsin, walang utak.

Lahat tayo’y dumadaan ngayon sa matinding kahirapan, pinaka­matindi ang sitwasyon ng mga kababayan nating manggagawa na nawalan ng trabaho, kaya walang maipakain sa kanilang pamilya.

Sa halip na magbigay ng inspirasyon ang mga nagtatrabaho sa ating pamahalaan para pababawin ang problema ng ating mga kababayang nagugutom ay dinadagdagan pa nila ‘yun ng kalungkutan.

Kalungkutan na kadalasan ay nauuwi sa depresyon, kalungkutan na nagnanakaw ng pag-asa sa mga Pilipino na kaunting sakripisyo pa, kaunting tiis pa at malapit na rin nating masilip ang bagong umaga.

Inspirasyon mula sa mga nasa pamahalaan ang ating kailangan ngayon. Hindi depresyon.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with