_ngayon
^

PSN Showbiz

Yen, mas mukha pa raw nanay kesa kay LJ!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Yen, mas mukha pa raw nanay kesa kay LJ!
LJ.

Ang fierce ni LJ Reyes sa New York Fashion Week.

Parang sa case ni LJ, totoo ang kasabihang mas gumaganda ang babae ‘pag iniiwan.

Kaya pinalakpakan siya ng mara­ming netizens kasama ang mga kapwa niya Kapuso stars tulad nina Megan Young, Carla Abella, Chynna Ortaleza at marami pang iba.

Actually, para sa ibang social media followers, mas maganda pa raw si LJ kesa kay Yen Santos at parang mas marami pa raw itong anak.

Yes, may ganung comparison na nagaganap nang kumalat ang photos ni LJ nang dumalo sa Brandon Maxwell show para New York Fashion Week 2021.

May stylist siya at kumpleto ang coverage ng kanyang attendance sa nasabing fashion event.

Naka-all black outfit si LJ – sleeveless top, leather trousers at stilettos.

Nauna na siyang nag-post ng “My first [New York Fashion Week] and it was such an eye candy! And can’t get over Gigi Hadid and these creations.” 

Well, obviously, life must go on for LJ na kasama sa New York ang dalawang anak na sina Aki and Summer matapos ang madramang hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Kaya tara na sa New York, as a friend.

Kidding aside, sana raw noon pa ito ginawa ni LJ.

May ilang nakapansin kasi kay LJ na bago sila naghiwalay ni Paolo ay hindi na ito nag-aayos.

Naging comfortable na diumano ito sa hitsura niya kahit sa mga virtual guesting niya ngayong pandemic na isa sa iniisip na rason ng ibang malapit kay Paolo na baka nga naman nag-trigger ito para bumilis ang kanilang hiwalayan ng aktor. Parang naging confident na raw si LJ sa hitsura at ‘di na nag-aayos.

Anyway, nasa hitsura ni LJ na tuloy ang buhay niya sa New York habang si Paolo ay naka-quarantine bago mag-lock in sa taping ng I Left My Heart In Sorsogon.

 

LJ REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with