_ngayon
^

PSN Showbiz

Apology ni Paolo wala sa timing, hindi ginaya ang style ni Gabby! pagtawag kay Yen, pinagtaasan ng kilay

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Apology ni Paolo wala sa timing, hindi ginaya ang style ni Gabby! pagtawag kay Yen, pinagtaasan ng kilay
Yen at Paolo.

Ewan ko ba kung bakit parang ngayon lang nagkaroon ng cheater sa showbiz.

Grabe, dahil buryong ang mga tao, hayan, gustong i-lockdown si Paolo Contis.

Eh kung tutuusin wala sa kalingkingan ni Gabby Concepcion si Paolo. Ilang babae iyon? Ilang anak? Pero hindi ganyan ang reaction.

You never apologize sa isang bagay na ginawa mo na maganda ang intention mo, hindi mo kasalanan na hindi naging maganda ang resulta.

Totoo, aminin mo na nagkamali ka, pero hindi lang ikaw ang nagkamali, so why apologize? ‘Yung apology is the highest form of humility, hindi mo basta sinasabi, dapat talagang bukal sa loob mo.

Timing is very important sa lahat ng bagay, lalo pa sa crisis management. Hindi mo sinasalubong dapat ‘yung galit na one track mind lang, na kahit ano pa ang gawin mo for the moment hindi maiintindihan ng mga taong galit.

Hintayin mong mag-subside ang galit, saka ka magpaliwanag. Timing. Iyan ang lagi mong tatandaan.

Maganda ‘yung composition ng paliwanag ni Paolo Contis. Bagbag damdamin mo. Isa lang ang hindi ko naintindihan, ‘yung kailangan niya ng kausap dahil nga sa mga nangyayari sa kanya ngayon, bakit si Yen Santos ang tinawagan niya? Wala ba siyang kaibigang lalaki? Hindi ba kadalasan, ang gusto mong ka-jamming ay kapwa mo lalaki dahil ito ang higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?

Doon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? BFF? Why her?

Naku, ayoko ng complicated na issue, basta wala sa timing, at hindi kasing smooth ng pagdadala ng crisis ni Gabby Concepcion.

Iyon lang, at iinom muna ako ng pain reliever dahil sakit ng ulo ko, Salve, sa totoo lang, palpak yata ang nag-advice kay Paolo, hah hah hah. Backlash talaga, overkill. Grabe!

Andrea at Marian, hindi kailangan ng anggulo

Pinanood ko ang Legal Wives at napansin ko na ang ganda pala ng mukha nina Andrea Torres, Alice Dixson at Bianca Umali.

Grabe naman ang suwerte ni Dennis Trillo na tatlong magagandang babae ang partners niya.

Iba-iba ang ganda ng tatlo, at ang lakas ng sex appeal ni Bianca kahit bata pa. Pero ang talagang nakita ko na walang anggulo ay si Andrea. Kahit saan ibaling ang kamera at tamaan siya, hindi nag-iiba ang ganda niya, wala siyang anggulo. Parang si Marian Rivera na kahit anong ikot gawin mo sa kamera hindi namimili ng anggulo. Bongga ha.

Sana mas marami pang makapanood ng Legal Wives, dahil maganda ang istorya, magaganda pa ang stars.

Ewan ko ba, ‘pag nanonood ako gusto ko lahat ng nasa screen maganda, ‘pag hindi maganda ang bida, ayoko ko, hah hah.

Kahit sa Korean, ‘pag hindi mga cute, wah ko feel. Dapat lahat nang nasa screen ganda, para tutok ang mga mata ko.

Kambal nina Aga at Charlene, mas pinili ang pag-aaral kesa showbiz

Gusto kong mainggit kina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.

Sa abroad nag-aaral ang kambal nilang anaka.

‘Yung isa sa Spain at ang isa sa UK.

Kasi nga ay college graduate si Charlene kaya ang taas ng tingin niya sa edukasyon. Hindi na-tempt ang kambal na pasukin ang showbiz, tutok sila sa kanilang pag-aaral.

Ang ganda ng foundation ng nangyari sa kanila habang lumalaki. Ilang beses inalok ni Mother Lily Monteverde na mag-artista ang dalawang anak nina Aga at Charlene, pero mismong mga bata ang tumatanggi. Talagang pag-aaral ang gusto nilang harapin. At kahit malaking sakripisyo para sa mag-asawa ang pag-aaral abroad ng kanilang mga anak, pinayagan nila para sa future ng mga ito.

Kahanga-hanga at kainggit talaga.

At isipin mo na talagang pag-aaral ang nasa isip ng mga anak mo, isang malaking karangalan para kina Aga at Charlene.

Nothing can beat a good education, hindi puwedeng tapatan ng anuman ang dunong na nasa utak ng isang tao. Iyon ang pinakamala­king yaman na ibinigay nina Aga at Charlene sa dalawa nilang anak. Congrats. Ideal parents kayong dalawa. 

 

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with