^

PSN Showbiz

Ogie Diaz sinopla PDP-Laban 'mass gathering' habang pandemya

Philstar.com
Ogie Diaz sinopla PDP-Laban 'mass gathering' habang pandemya
Litrato ng aktor at talent manager na si Ogie Diaz (kaliwa); Mga upuan at la mesa na inihanda bago ang national convention ng PDP-Laban sa San Fernando, Pampanga (kanan)
Mula sa Facebook page ni Ogie Diaz; Handout / PDP-Laban

MANILA, Philippines — Hindi nakapagtimpi ang komedyante, talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz matapos magtipun-tipon ng mga pulitiko nang harapan para sa eleksyon nitong Miyerkules — sa gitna ng record-high COVID-19 cases noong isang linggo.

Nasa 400 katao kasi ang dumalo sa national convention ng partidong PPD-Laban kahapon sa Pampanga, kung saan opisyal na ninomina sina Sen. Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkapresidente at bise sa 2022. Idineklara rin ng partido ang walong kaso bilang senatorial candidates kahit kalahati rito ay hindi PDP-Laban members.

"Naudlot ang opening ng resto at salon at iba pang negosyo dahil sa napakagulong desisyon sa klase ng lockdown,  pero nag-meeting ang PDP-Laban na may 400 members sa isang convention center, okay lang?" ani Diaz kahapon.

"Kaso ang pinaghahandaan nila ay yung eleksyon next year, kaya nagtipon-tipon. Mas priority ba yan over pandemya?"

 

 

Nasa maluwag na Modified General Community Quarantine ang Pampanga ngunit nasa mahigpit-higpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang ika-15 ng Setyembre, dahilan para pagbawalan ang operasyon ng mga personal care services at mga negosyo. Hindi tuloy makapagtrabaho ang marami ngayon.

Pinahihintulutan sa MGCQ ang hanggang 50% venue capacity, ayon sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Una na kasing idineklara ni presidential spokesperson Harry Roque, na inomina rin ng PDP-Laban bilang guest senatorial candidate, na magbabalik sa maluwag-luwag na General Community Quarantine (GCQ) ang Kamaynilaan.

"So sila, pwede?  Ang mga negosyo, bawal? Ang mga manggagawang excited magtrabaho, nganga?" dagdag ni Diaz.

"So abangan na lamang natin ang mga 'positive' news sa mga susunod na araw."

 

 

'Pamumulitika habang nangamatayan ang tao'

Sa kabila nito, hindi lang si Diaz ang naimbyerna sa mga pulitiko kahapon, maging ang aktor na si John Arcilla. Ito ang ipinaskil niya sa parehong araw ng PDP-Laban event at pag-aanunsyo nina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto ng kandidatura para sa pagkapangulo at pagkabise:

"NAKAKAPUNYETA ang mga Pulitikong mas INUUNA PA ANG RAKET kesa kapakanan ng mga Pilipino at Buhay ng TAO," aniya.

"Palipasin nyo man lang ang Pandemyang ito tsaka nyo na balikan ang KAGARAPALAN kung di kayo maawat! Nangangamatay na ang mga TAO! Mahiya naman tayo! Nakakagalit na ng husto!"

Kapansin-pansing linya ni Arcilla sa "Heneral Luna" (2015) ang ilang nabanggit. Kilala rin siya bilang si Renato Hipolito sa Kapamilya serye na "FPJ's Ang Probinsyano." — James Relativo

JOHN ARCILLA

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

OGIE DIAZ

PDP-LABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with