^

PSN Showbiz

Ate Vi tuloy na sa senado, farm na pagkakasalan sana nina Luis at Jessy ipinakita

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi tuloy na sa senado, farm na pagkakasalan sana nina Luis at Jessy ipinakita
Jessy, Luis at Ate Vi
STAR/ File

Tuloy na raw talaga sa Senado si Cong. Vilma Santos.

Mismong ang kasama niya sa partido ang nagbanggit nito.

Habang ang husband naman niyang si Sen. Ralph Recto ang papalit sa babakantehin nitong position sa Congress.

Nakalatag na diumano ang plano ayon pa sa source.

Kung sabagay, kayang-kaya ni Ate Vi ang senado. Hindi tainted ang image niya sa pulitika, intact na intact mula sa pagiging mayor, kaya naman sigurado na si Ate Vi na magiging senador sa 2022.

Marami raw humihirit na sa mas mataas na posisyon siya kumandidato, pero malabo raw ‘yun mangyari.

Samantala, lately ay visible si Ate Vi sa social media.

At ang latest appearance niya ay sa vlog ng daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola kung saan nag-tour sila sa farm ni momskie Vilma.

At doon pala dapat ikakasal sina Luis and Jessy. Kaya naman nag-reenact kunyari sina Luis ang Jessy ng kasal nila sa The Farm last April.

Dream daw talaga raw ng Star for All Seasons na magkaroon ng farm at gusto rin daw ni Luis kumuha ng farm doon. “Dream ko talaga magkaroon ng farm, ‘yung may mga tanim, ‘yung meron kang naha-harvest, may mga birds, may mga hayop. Talagang ‘yun ang dream ko matagal na, matagal na,” sagot ni Ate Vi kay Jessy na sabi ni Luis sa ganda ay gusto na niyang hingin na ginawa na lang joke.

“‘Yun ‘yung ginawa ni Ralph. Siya lahat iyan, in fairness to him. Ito ‘yung regalo ni Ralph. Siya ang may idea ng lahat na ito. Basta gusto ko farm para may time to relax,” chika niya pa sa kanyang manugang.

Good weather daw kasi sa Lipa at malamig talaga dahil katabi nila ang Mt. Malarayat.

At ang bongga, meron silang food truck sa nasabing farm na ‘pag may mga affair sila ay doon  nagluluto ng mga pagkain at nag-iikot din ang nasabing food truck.

Ang laki ng farm ni Ate Vi at ang gaganda ng mga halaman at ang daming hayop.

Pinasyalan nila ang buong farm na may payong pa si Luis Manzano.

Suwerte talaga si Jessy kay Luis.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with