^

PSN Showbiz

Aktres nagluluksa sa pagkamatay ng Kapamilya sa COVID-19

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ramdam namin ang sakit na nararamdaman ng isang aktres na matindi ang pinagdaanan ng pamilya dahil sa COVID-19.

Pumanaw ang isa sa miyembro ng pamilya na pinaka-close pa naman sa kanya, kaya hanggang ngayon ay parang hindi pa rin niya kayang pag-usapan ito. Kahit nakikita naman ang mga mensaheng ipinarating sa kanya ng mga kaibigan niya sa Facebook, ipinaalam pa rin namin kay aktres kung okay lang ba na isulat. Pero nakiusap siyang huwag muna, at irespeto na lang daw muna ang kanilang pagluluksa.

Naintindihan din namin ang matinding pag-iyak ni Kim Domingo nang lumabas na positive siya sa Antigen test kaya hindi na rin siya natuloy sa taping ng Love. Die. Repeat, at kaagad na pinalitan siya ni Myrtle Sarrosa.

Sinasabi nga ni Kim na sobrang nag-iingat siya, at kaya ngayon lang siya tumanggap ng lock-in taping dahil fully vaccinated na siya. Pagkatapos, saka naman siya nag-positive sa virus na ito. Nakakapanghinayang talaga dahil nawalan siya kaagad ng trabaho, at dagdag pang stress itong sakit na ito.

May ilan pang celebrities na naaantala ang trabaho dahil nagkakasakit pa rin kahit bakunado na.

Ang isa pang napag-alaman namin, babalik na rin sa taping ang isang weekly show at special guest dapat dito ang isang sikat na aktres. Pinaghandaan na nila ang gues­ting ng sikat na aktres, nang kailangang i-quarantine ng mahigit isang linggo si aktres dahil na-expose pala siya sa isang COVID positive. Kaya ‘di na naman natuloy at hindi alam kung kailan na nila uli maii-schedule ang guesting ni sikat na aktres.

Kahit ang The Clash na nasa 4th season na, ay kasado na rin ang pagsisimula ng taping pagkatapos nilang in-announce ang top 30 finalists. Pero sa takbo ng mga pangyayaring tuluy-tuloy ang pag-surge ng COVID cases, hindi pa masasabi kung kaya na ba nilang mag-taping sa studio.

Lalong tumitindi ang takot at pangamba ng mga tao dahil sa araw-araw na pagtaas ng COVID cases. Muling sumampa ang Pilipinas sa top 20 na may pinakamaraming active cases ng COVID-19.

Kaya siguro hindi rin ganun kataas ang rating ng mga programa sa TV dahil wala na siguro panahong manood sa TV ang mga tao. Halos lahat na mga programa sa lahat na istasyon ay nagsibabaan at maaaring wala na silang ganang manood sa TV at nag-aalala na lang sila kung ano na ang mangyayari sa atin sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.

Chair Liza, pinuri ang mga pelikulang namamayagpag sa International Filmfest

May ilang filmmakers ang nag-react sa announcement ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa deklarasyon na Philippine Film Industry Month ang buwan ng Setyembre.

Masayang ibinalita ni Chair Liza sa nakaraang virtual mediacon ng FDCP, na nagpapasalamat siya sa pagpirma ni Pres. Rodrigo Duterte at prinoklama ang buwang ito na Philippine Film Industry Month.

Kasabay nito ay bubuksan na rin ang Metropolitan Theatre na bahagi sa naturang selebrasyon.

Makikita naman sa website ng FDCP ang lahat ng activities bilang bahagi ng pagdiriwang na  ito.

Hindi nagustuhan ng ilang filmmakers ang mga pahayag ni Chair Liza tungkol sa proclamation ni Pres. Duterte. Nagpahayag sila ng pagkadismaya sa kawalan ng suporta ng ating pangulo sa ating film industry.

Ang iba ay naungkat pa ang isyu ng nakawan diumano sa DOH, at naintindihan naman natin kung saan nanggaling ang himutok nila.

Pero sa tingin ko naman walang halong pulitika ang mga pahayag ng FDCP Chairperson. Nagpasalamat lang naman siya sa pagdeklarang ito ni Pres. Duterte na gawing Philippine Film Industry Month ang September. Hanggang dun lang. Alangan namang hindi siya magpapasalamat.

Pero proud si Chair Liza sa na-achieve ng Pinoy films, na kahit nasa pandemya at wala pang mga sinehan ay nakilala pa rin ito at namamayagpag pa rin sa iba’t ibang international film festivals.

Naabot na raw natin ang level na naihahanay na ang ating bansa sa mga bansang nakakapag-produce ng mga matitinong pelikula na pinupuri worldwide.

Ang challenge lang daw sa atin ngayon ay mapansin na rin commercially ang mga pelikula natin sa ibang bansa. “Iyon ang challenge sa atin ngayon. Paano tayo makagawa ng pelikula hindi lang panonoorin sa Pilipinas commercially, pero sa ibang bansa din.

“Dati kasi ‘pag pinapanood tayo novelty ang Philippine Cinema, ngayon, talagang we have projects na talagang may international collaboration. That legitimizes our international path natin. And I do believe, while there are challenges na kinakaharap natin ngayon locally, meron tayong new generation of filmmakers na ang goal is to collaborate. Ang goal nila is to work with a global market in mind.

“To work in a globally competitive environment. Meaning, willing silang i-adjust ‘yung pelikula nila. Willing silang i-adjust ‘yung story nila para mas maging malaki ‘yung audience. Willing silang makipag-co produce, hindi lang private equity na galing sa Pilipinas, isang producer na nagpu-produce ng pelikula,” pahayag ni Chair Liza.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with