^

PSN Showbiz

RIP Mahal... pumanaw sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon

OMG namatay rin sa COVID-19 ang komedyanang si Mahal kahapon ayon sa post ng kapatid niyang si Irene Tesorero.

Parang three weeks ago lang nang bisitahin ni Mahal sa Bicol ang ex-loveteam niyang si Mura upang dalhan ng ayuda dahil nga nanga­ngailangan ito at walang raket.

Bukod sa napanood ito sa YouTube channel ng boyfriend niyang si Mygz Molino, napanood din ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Si Mygz ang nag-document ng kanilang biyahe na sa hirap umakyat ng bundok dahil umulan at hindi puwedeng magdala ng sasakyan ay kinarga siya nito.

Nakakatuwa ang pagkikita nila, tawa pa nang tawa si Mahal.

Hirap nang maglakad si Mura dahil naaksidente raw siya sa trycicle at kumikita lang daw siya sa pagko-copra.

At gusto pa ngang tulungan ni Mahal si Mura na magkatrabaho na dinal­han niya ng mga de lata.

Two days ago lang din nang mag-upload ng new vlog si Mygz at masayang-masaya pa si Mahal habang naglalaro ng aso.

Pero kahapon nga ay namaalaman na rin ito dahil sa coronavirus na ayon sa WHO ay ang Delta na ang dominant variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Agad nag-trending ang #RIPMahal matapos kumalat sa social media ang nasabing pagpanaw ni Mahal.

Habang tinatapos namin ito ay wala pang ibang detalye ang pagpanaw niiya. RIP Mahal.

Noemi Tesorero ang tunay niyang pangalan.

MAHAL

RIP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user