^

PSN Showbiz

Laban ni Pacman, nahahaluan ng pulitika

Vir Gonzales - Pilipino Star Ngayon
Laban ni Pacman, nahahaluan ng pulitika
Manny.

MANILA, Philippines — Maraming nakakapansin na mas maingay pa ang coming fight ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Las Vegas kaysa rito sa Pilipinas.

Pero sana nga bago maganap ang laban sa Linggo, mas tumaas ang eagerness ng ating mga kababayan na panoorin ang laban ng ating Pambansang Kamao.

Sana, gaya ng dati na tigil ang biyahe na parang mangyayari naman dahil diumano’y extended ang ECQ.

Makakalaban niya ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Naku sana naman ay wala munang usapan ng pulitika.

Suportahan natin si Pacman sa kanyang laban sa mapapanood sa GMA at sa TV5.

Azenith, happy pa rin ang birthday

Every year, well-attended ang birthday celeb­ration ng dating aktres na si Azenith Briones tuwing sasapit ang September. Karamihan sa mga nagiging guest niya ay mga kapwa beauty queen noong kanilang kapanahunan tulad nina Chiqui Borasa, Jean Saburit at Melanie Marquez.

Happy si Azenith ngayon kasama ang family kahit na nga hindi na uso ang magarbong selebrasyon dahil sa pandemya.

May apo kasi at ginagawa raw nilang baby sa kanilang Reyes Mansion Resort sa San Pablo City at tuloy pa rin ang negosyo niyang mga halaman kaya naman happy pa rin talaga ang birthday niya.

Happy birthday, Azenith. Happy birthday din nga pala kay Nelson Canlas ng 24 Oras. 

MANNY PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with