^

PSN Showbiz

Cong. Vilma, naalala ang ginawang Burlesk Queen kay Yorme

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kasama ang mag-asawang sina Senator Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos sa mga nagtanggol kay Manila Mayor Isko Moreno laban sa bashers.

Bagama’t wala namang binanggit na pa­ngalan, may bashers na nagsasabing si Mayor Isko nga ang tinutukoy ni Presidente Digong sa kanyang “blind item na mayor na hindi marunong mag-organisa, at ang orientation ay bilang call boy.”

Naunang nagsalita si Senator Ralph sa pagsasabing si Yorme ay may positibong Covid response. Nagpatayo si Yorme ng isang isolation center sa Luneta, at katabi noon ang drive-in vaccination center na nagsisilbi hindi lang sa taga-Maynila kundi sa karatig lunsod.

Bukod doon, hindi natigil ang ayuda ni Yorme sa kanyang constituents. Hindi niya hinihintay ang national government, tuluy-tuloy ang ayuda niyang food box sa lahat ng taga-Maynila na maaayos na umaabot sa lahat sa pamamagitan ng barangay. Para kay Senator Ralph unfair sabihin na si Yorme nga ang “pinatutungkulan sa blind item ng Presidente.”

Si Congresswoman Vi, ipinaliwanag naman na ang sexy pictures ni Yorme ay bahagi ng kanyang pagiging artista. After all wala naman talagang ginawang malaswang pelikula si Yorme.

Sabi nga ni Ate Vi, “ako rin nagkaroon ng ganoong pictures, noong gawin ko ang Burlesk Queen, pero ang pelikula kong iyon kinilala maski ng mga kritiko bilang isang film classic at hindi malaswa.”

Pinuri rin ni Ate Vi si Yorme dahil isa raw iyon sa nagpadala agad ng tulong sa kanila noong pumutok ang Taal. Hindi rin naman maitatanggi na ang Maynila, sa pangunguna ni Yorme at ng Sangguniang Lungsod ang isa sa nag-endorso kay Ate Vi bilang national artist, na naging dahilan naman para magsunuran ang iba pang local go­vernment  sa pag-eendorso kay Ate Vi. Pinara­ngalan din si Ate Vi bilang natatangi at inspirasyon ng mga batang Maynila, dahil siya ay ipinanganak ay unang nanirahan sa Maynila.

“Pag-aralan natin hindi kung ano ang pinagmulan ng isang tao kundi kung ano sana ang nagawa niya sa panahon ng kanyang panunungkulan. Iyon ang basis dapat,” sabi ni Ate Vi.

John at Derek, init ng ulo ang pinairal

Siguro kung nakapag-usap lamang nang mabuti sina John Estrada at Derek Ramsay ay hindi na lalala ang problema na mauuwi pa sa demandahan. Nagsimula lang naman iyan sa mga naging reklamo sa diumano ay “hindi pakikisama ng syota ni Derek na si Ellen Adarna.”

Hindi naman siguro masasabing nagkulang si John, na siya ring line producer ng show. Nagpaliwanag siyang tala­gang may kasunduang cut off si Ellen at tapos na raw ang mga eksena noon nang umalis siya. Siguro nga pinagsabihan naman ni John ang mga taong kasama nila, kaya nga maski na si Long Mejia bumawi sa lahat ng nauna niyang sinabi, at sinabi pang siya ay misinformed lang.
Pero mabilis ngang humirit si Derek na hindi na sila magkaibigan ni John Estrada dahil sa nangyari kay Ellen. Natural masaktan din naman si John na nagsabing “itinuring ko si Derek na parang kapatid.”

Dapat nga siguro nilang mapag-usapan iyan na hindi init ng ulo ang umiiral. Magkakasundo rin naman ang mga iyan.

Huwag na natin palakihin ang gulo.

Mga sexy star na hindi naglalabas ng ari, mas mataas ang level

May mga nagtatanong sa amin, ano ang pagkakaiba ng isang artista na nagpa-sexy, hindi mahalay kagaya ng ginagawa ngayon sa internet movies, doon sa mga artista na nagpe-perform sa night clubs at beerhouse na ang suot ay halos hubad na rin?

Ang sagot nga namin, mas matino naman iyong nagpa-sexy lang, at hindi nagpapakita ng kanilang private parts sa kanilang pelikula. Iyong nag­lalabas na ng kanilang mga ari, ibang usapan na iyon.

RALPH RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user