^

PSN Showbiz

Luis, namimili pa ng posisyon sa 2022 elections!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Luis, namimili pa ng posisyon sa 2022 elections!
Jessy, Ate Vi at Luis

Nakakatuwa ang Facebook at IG live session ng mag-inang Cong. Vilma Santos-Recto at Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Sumunod din sa tsikahan nila si Ryan Christian na mukhang sa pulitika rin ang kahahantungan niya. Pero 25 years old pa lang siya, kaya sinasabihan na rin siya ni Cong. Vi na mas mabuting tapusin muna ang pag-aaral.

Umabot sila sa mahigit 20k live viewers sa FB na ikinatuwa ni Cong. Vi na sinasagot ang mga tanong sa kanila.

Ang pagtakbo niya sa eleksyon at pagbabalik-artista ang halos tinatanong sa kanya at sinasabi naman niyang pinag-iisipan na niya ngayon ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

Sagot niya sa nagtanong kung balak nga ba niyang tumakbong senador sa 2022 election? “I’m considering it. Kaya lang po sa ngayon nothing is final. Pinag-uusapan pa rin naming what’s the best,” mabilis na sagot ng actress/politician. “Kasi po, alam n’yo po iba na po ang panahon ngayon. Kasi  if you will expect me going around physically with the present situation ng COVID, baka mahirapan po tayo. Ibang-iba po ngayon ang klase ng eleksyon na darating.

“Baka mamaya pag hindi n’yo po ako nakikita, sabihin n’yo, hindi naman namin siya nakikita. Kasi po delikado na rin po ang panahon, not only for me but also para po sa inyong lahat. Marami pong dapat pong i-consider sa darating po na eleksyon,” dagdag niyang pahayag.”

Mahaba ang usapan nila ni Luis tungkol pulitika, dahil kahit ang actor/TV host ay kinukumbinse na ring tumakbo sa darating na eleksyon. Pero wala ring final na sagot si Luis, dahil alam daw niyang kapag papasukin niya ang pulitika, dapat handa siyang harapin ito at buo ang loob niya sa pagbigay ng serbisyo sa mga tao.

Kaya pinapayuhan siya ni Cong. Vi na marami siyang isasakripisyo kung talagang desidido na siyang magsilbi. “Sinasabi ko kasi sa kanya : ‘anak hindi talaga biro. Pag nagserbisyo ka talagang serbisyo at may sakri-pisyo. Lalo na pareho kami sa showbusiness. Sa showbusiness aminin natin nandiyan ang mga colleague ko sa industry. Ang laki ng kita diyan anak. Sikat ka na, inaalagaan ka pa, tinatrato ka pa nang mabuti, ang laki pa ng bayad sa ‘yo.

“Talagang may masasakripisyo, kasi kapag pinagkatiwalaan ka ng mga tao ‘nak, hindi puwendeng half-cooked.”

Agree naman si Luis sa sinasabi ng kanyang ina. “Iyun nga ang sinasabi ko Momshie. ‘Pag humihingi ka ng boto. Yung hinihingi mo na isang boto ang kaakibat nun ang inaasa nila sa ‘yo, ang tiwala nila sa ‘yo. Tutulungan mo ang livelihood nila, ang kanilang anak, ang kanilang edukasyon,” saad ni Luis.

Pero hindi raw ganun kadali iyun sabi ni Cong. Vi. “Kasi lahat ng problema may karugtong na pondo. At hindi basta-basta para sa mga nangangailangan na mga constituent mo, ang mga nagtiwala sa ‘yo. Kaya ang nangyayari riyan, priority. That’s why you really have to study anak. Pag-aaralan ‘mo yan. Hindi ganun kadali. Everyday is a learning process. Bawat tao kaharap mo araw-araw may natutunan ka. Ang maganda lang dito ang kaharap mo totoong buhay na anak. Kaya hindi mo na puwedeng biruin ‘yan.

“Pero pag pinagkatiwalaan ka, tandaan n’yo legacy n’yo, walang bayad. Walang katapat na pera yan,” saad ni Cong. Vi sa kanyang anak.

“Kung sakali man in any position na pagtakbuhan ko. Kung konsehal man ‘yan, Vice Mayor, Mayor, Governor o sa Congress, I promise that I will serve you. I will serve the voters, kung saan man ako tatakbo.

“Kunwari lang kung saan ako magsimula, kahit ano pa yan na posisyon, service ang ihahatid ko sa inyo,”  seryosong pahayag naman ni Luis.

Sa tono ng usapan ng mag-ina, nakaka-excite na malaman kung ano talaga ang tatakbuhan nilang dalawa sa darating na eleksyon.

Nangako si Cong. Vi na magpapa-raffle sila ni Luis sa mga followers sa susunod na FB live nila.

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with