^

PSN Showbiz

Sanya Lopez, buhos ang blessings!

Pilipino Star Ngayon
Sanya Lopez, buhos ang blessings!
Sanya.

MANILA, Philippines — Uy nakakuha na rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez ng Gold Play Button mula sa YouTube matapos niyang malagpasan ang one million mark na bilang ng kanyang subscribers.

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang mga fans sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kaniyang videos, “Gintong pasasalamat sa lahat ng aking mga subscribers!!!”

Sunud-sunod talaga ang buhos ng blessings sa career ni Sanya. Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Successful din ang huli niyang mga programa kabilang na ang mahusay niyang pagganap sa role ni Yaya Melody sa primetime series na First Yaya at bilang si Maya sa Agimat ng Agila.

Siargao, pumasok ang unang kandidata sa Miss U Ph

Pumasok sa kauna-unahang pagkakataon sa Miss Universe-Philippines pageant ang pambato ng tinaguriang Surfing Capital of the Philippines – Siargao Island na si Michele Angela Navarro Okol.

Si Okol, o Mich sa kanyang mga kaibigan, ay 20 years old at consistent 1st honor dean’s lister at kumukuha ng kursong Political Science sa isa sa mga nangungunang Universidad ng bansa.

Bukod sa kanyang angking kagandahan at katalinuhan, si Mich ay isa ring advocate ng “sustainable fashion” dahil imbes na bumili ng bago at mamahaling kagamitan, mas masaya siyang mamili ng mga lumang damit o accessories sa thrift shops upang bigyan ito ng bagong imahe at anyo sa tinatawag na “thrift-flipping” or “reworking.”

Inamin niyang nakaranas din siya ng “bullying” during her teens dahil kahit siya raw ay “too big or healthy.”

Isa nga siya sa 98 candidates na maglalaban-laban sa Miss Universe Philippines 2021 crown.

Matt Lozano at Radson Flores, sumabak sa training para sa Voltes V: Legacy

Puspusan na ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng GMA series na Voltes V: Legacy.

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

Pagkukuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at ‘yung balance.”

Makakasama rin nila sa inaabangang Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

Concerts nina Ian at Rico, Sharon mapapanood sa IWANTTFC

Siksik sa pinakamalalaki at inaabangang mga pelikula at concerts ang iWantTFC ngayong Agosto dahil dadalhin nito ang Revirginized ni Sharon Cuneta, ang digital concerts nina Rico Blanco at Ian Veneracion, at marami pang iba.

Isang mapusok na Sharon Cuneta ang magbabalik-pelikula kasama si Marco Gumabao sa sexy film na Revirginized, kung saan susubukan ni Mega na umibig muli pagkatapos siyang iwan ng kanyang asawa. Mapapanood ito simula Agosto 6 sa halagang P249 para sa users sa Pilipinas o US$4.99 naman para sa mga manonood sa ibang bansa.

Haharanahin naman ni Ian Veneracion ang fans niya sa Pajamajama: An Online Sleepover with Ian. Kiligin at makikanta kasama ang ultimate heartthrob sa halagang P899 o US$17.99 kada show ngayong Agosto 27 ng 8 p.m. (Manila time) at Agosto 28 ng 11 a.m. (Manila time).

Gaganapin naman ang virtual concert na Rico Blanco Songbook: Musical Stories by Rico Blanco kasama ang December Avenue, Ebe Dancel, Callalily, Spongecola, Gibbs Sisters, Earl Generao, Mayonnaise, This Band, John Roa, Raphiel Shannon, Janine Teñoso, at Sarah Geronimo sa Agosto 7 ng 8 p.m. (Manila time). Puwedeng bumili ng tickets sa halagang P299 o US$5.99.

Magsasama-sama naman sina Sam Concepcion, Janine Teñoso, Darryl Ong, at Katrina Velarde para sa isang gabing puno ng kantahan at pag-ibig sa Four Hearts: A Digital Concert ngayong Agosto 28 ng 8 p.m. (Manila time). Available na ang tickets sa presyong P999 o US$19.99.

SANYA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with