^

PSN Showbiz

Maraming film at audiovisual workers, bakunado na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maraming film at audiovisual workers, bakunado na!

Aabot pala sa 3,500 na film at audiovisual (AV) workers ang mababakunahan sa ilalim ng #GoodJAB Vaccination Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Vaccine Nation is the Solution Program nito.

Noong Agosto 2, higit sa 1,500 na agad ang nakatanggap ng COVID-19 vaccination sa Palacio de Maynila. AstraZeneca ang ibinakuna sa kanila.

Ang kanilang second dose schedule ay sa Set­yembre 27, at ang venue ay to be announced.

Ang natitirang halos 2,000 na film at AV wor­kers ay mababakunahan naman sa Agosto 9 sa Adamson University. Iaanunsyo ang kanilang second dose schedule at venue sa sandaling maging finalized ang mga detalye. “The FDCP and Manila LGU VaccineNation Day has been a success, many thanks to Mayor Isko Moreno and the City of Manila’s vaccination team as well as the FDCP National Registry team and FDCP employees who volunteered to assist our film and AV workers. It is our goal to make sure that we deliver the best service possible in providing support to address the immediate needs of our industry,” pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. “Sa gitna ng pandemya, kaisa ang Film Development Council of the Philippines sa pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa — mula ayuda hanggang bakuna — mapa-pelikula, telebisyon, media, teatro, advertising, live events, animation, o music industry man, para sa ikalalakas ng ating iisang industriya ng creatives,” idinagdag pa ni Chair Liza.

Mayroong higit sa 5,000 na registrants ang FDCP National Registry. Maliban sa 3,500 na manggagawa na babakunahan ng Lungsod ng Maynila, 1,500 na manggagawa na ang nabakunahan ng #QCProtekTODO Program ng Quezon City sa pamamagitan ng Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers ni Mayor Joy Belmonte.

Ayon sa mga nabakunahan, ang bilis at organisado ang proseso at hindi lalampas sa isang oras sa bawat indibidwal.

Meron din silang pa-burger at bottled water, at  may photo booths para mag-pose bilang #GoodJAB ambassadors upang mahikayat nila ang iba na na magpabakuna na rin.

Samantala, ang NR registrants diumano na gustong mag-register sa kanilang local government units para sa pagbabakauna ay maaaring ipakita bilang proof of occupation ang kanilang FDCP National Registry Certification na maaaring ma-download mula sa kanilang MyFDCPRegistry Profile sa NR website (nationalregistry.fdcp.ph). Maaari rin daw itong gamitin ng freelance workers na walang company ID para mapatunayang kasama sila sa A4 Priority Group.

Bakuna is key kaya nakakatuwa naman na tutok si Chair Liza sa mga taga-industriya. Ngayon pati bata tinatamaan na ng virus kaya mas super scary na kaya kailangan talaga ng bakuna.

Samantala, starting today ang enhanced community qua­rantine sa NCR at ibang lugar at magiging limited na uli ang movement ng lahat pero tuloy diumano ang pagbabakuna.

Though kinda contradicting dahil bawal lumabas at isa lang daw ang papayagang lumabas per household pero paano kaya kung 2 to 3 kayong magpapabakuna?

Anyway, kahapon ay dumagsa ang mga gustong magpabakuna dahil sa kumalat na isyung babawalang lumabas ang mga gustong magpabakuna at ‘di bibigyan ng ayuda. Ayuda ang magic word.

Kaya naman talaga kumbaga sa sinehan, box office ang pila sa vaccinationation sites kahapon at ikinabahala ng marami.

Bukod sa vaccination sites, pila-pila rin kahapon ang du­magsa sa supermarket bilang paghahanda sa ECQ. Parang Christmas actually ang peg.

Anyway, pray na lang tayo for each other na malampasan lahat ito dahil ang mas apektado ay ang mga mahihirap na­ting kababayan.

Ellen, ipinangalandakan ang karapatan sa trabaho

Hindi rin nawawalan ng intriga si Ellen Adarna.

Oo nga at iisa lang ang programa niya sa TV5 pero mabenta naman ang pangalan niya sa social media. Ngayon ay si Long Mejia ang sangkot sa intriga sa kanya. Ang komedyante diumano ang nagbuko na unprofessional si Ellen at laging bitbit si Derek Ramsay sa taping.

Pero rumesbak naman si Ellen na nasa batas ang pag-alis niya sa taping ng John en Ellen na napapanood sa TV5.

Aniya sa paliwanag sa comment section ng kanyang Instagram page : “ There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented. I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you).

“Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical,” ani Ellen. I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too) i guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo

“i think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1,” ayon sa paglilinaw ni Ellen.

Pero alam kaya ni Long na investor ng nasabing programa si Derek?

Ito kaya ang rason kaya bigla raw itong nag-apologize sa ikakasal?

Anyway, ang importante pinag-uusapan sila ha. Mas mag-worry sila ‘pag hindi na sila hot item sa social media.

Pacman-Spence, nakuha ng Kapuso

GMA Network, in partnership with TAP Digital Media Ventures Corp., is all set to air the much anticipated fight of boxing champ and Senator Manny “Pacman” Pacquiao kay American boxer Errol Spence Jr. for the International Bo­xing Federation (IBF) and World Boxing Council (WBC) welterweight titles on Sunday (August 22).

Pinoy fans can watch the boxing showdown, which is slated to happen in Las Vegas, Nevada, via satellite on GMA 7 at 11:00 a.m.

Radio listeners,  naman can catch the live blow-by-blow coverage exclusively on the Network’s flagship AM station Super Radyo DZBB 594 and in all Super Radyo stations nationwide beginning 9:00 a.m.

Wish ng bayan ng manalo si Pacman.

vuukle comment

FDCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with