Alden, tahimik ang utak sa lovelife

Alden
STAR/ File

Siguro naman dahil open na taken na ni Dominic Roque si Bea Alonzo, ay hindi na magagalit ang solid fans ni Alden Richards na magkaroon sila ng serye.

Maganda kasi ang bagong team-up kung sakali, first time together nina Alden at Bea, maganda at maraming twist ang puwedeng gawin sa istorya. Kasi rito sa The World Between Us, para bang nagagalit ang ibang fans ni Alden ‘pag sweet sila ni Jasmine Curtis Smith eh wala namang romantic angle ang dalawa, pure acting lang.

Kaya ngayon na taken na si Bea hindi na rin siguro sila magre-react kung may romantic scenes dahil alam nila na meron na itong Dominic. Kaya tuloy hindi maitambal sa iba si Alden kasi nga, ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ayaw pa rin siyang tanggapin ng followers niya as a free, happy single man at gusto pa ring ipilit sa gusto nila para kay Alden. Suwerte nga na ang focus ni Alden ay career at hindi muna ginugulo ang utak sa lovelife, kaya tingnan mo, pandemic lahat, pero left and right pa rin ang trabaho niya. Walang hinto, walang distraction, naka-focus talaga.

Abangan natin ang tambalan nila ni Bea na tiyak bibigyan ng bagong twist.

Willie at Raffy, napag-aralan na ang pulitika

Mukha ngang sasabak na sa pulitika sina Willie Revillame at Raffy Tulfo. May mga pahaging na.

For sure they will give a good fight. Isang bagay ‘yung kilalang-kilala sila ngayon, nasa top of their career, mahal ng followers nila. Hoping it will turn into votes for both of them. Mukha namang kaya nila ang trabaho, napag-aaralan naman iyan.

Sabi nga, paligiran mo lang ng matatalinong tao ang paligid mo, kakayanin mo. Hinasa ng panahon ang dalawa, lahat napagdaanan nila, nasa puso rin ang pagtulong, so why not? Kung saan ang hilig ng katawan, ibigay mo, paghusayan mo.

Show comments