Pagiging unprofessional ni Ellen binuko ni Long, John kinontra!

John en Ellen stars
STAR/ File

Kung kailan tapos na ang season 2 ng sitcom na John en Ellen saka naman naglabasan ang isyung pinagbibintangan ng unprofessionalism si Ellen Adarna.

Si Long Mejia na co-star nila sa naturang sitcom ang nagsalita na basta na lang daw ito umalis ng taping kahit ‘di pa tapos ang mga eksena niya.

Pinabulaanan naman ni John Estrada mismo, at kahit si Derek Ramsay na sumundo roon sa location ay nagulat sa lumabas na isyung iyon.

Ang pagkakaalam daw niya ay natapos ni Ellen ang dapat kunan.

Hanggang 12 midnight lang daw talaga roon ang aktres, at ala-una na nga raw ito umaalis.

Sabi ni John, ayaw na raw nilang palakihin pa ang isyung iyon na ipinagtataka nila kung saan ito nanggaling.

Basta okay daw sila ni Ellen at pati na rin si Derek.

Noong nakaraang Linggo lang natapos ang season 2 ng John en Ellen at kung magkakaroon man daw ng season 3, hindi na nila kasama si Ellen.

Naintindihan naman daw nila na kailangan nang mag-focus si Ellen sa pag-aalaga sa anak niyang si Elias at magiging Mrs. Derek Ramsay na siya. “Kahit man masakit, kahit mahirap, ganun talaga ang buhay eh. I mean nothing is permanent in our business. You know that you’re just as good as your last project,” pakli ni John nang makatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Hinihintay na lang daw nila ang decision ng TV5 na ituloy na nila ang season 3. Kapag sure na raw, saka na sila maghahanap ng ipapalit kay Ellen.

Marami na raw nagsa-suggest kung sino ang posibleng ipalit sa role na Ellen, pero gusto raw sana nila ay nanay din, dahil may anak sila sa sitcom na ito. “Meron kasi kaming Facebook page, ang da­ming nagbabato ng ano dun…si Rabiya (Mateo) ganun.

“Ang ganda naman talaga ni Rabiya Mateo, Miss Universe ‘di ba? Pero ang problema, ang kailangan namin at least nanay eh ‘di ba? Para hindi na mahirap kumbaga to adapt to the role. Kasi ang Ellen talaga sa John en Ellen is a mother who loves her children ganun,” saad ni John.

Jaclyn, kakaiba ang pagiging yaya

Talagang ‘the world between us’ na nga ang drama ngayon nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis Smith) na  ipinaglalaban na nila ang kanilang pagmamahalan.

Pero ang isa sa pinag-uusapan dito sa The World Between Us ay ang role na ginagampanan ni Jaclyn Jose.

Show comments