Aktor na sawain, malabong malusutan ang kasalukuyang karelasyon

Kabisado na ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang kartada sa pakikipagrelasyon ng isang kilalang male personality. Kumbaga sa sasakyan ay magaling lang siya sa pag-arangkada pero sa takbong rektahan ay kapos na kapos na siya.

Kuwento ng aming source, “Parang magaling lang siya sa una, pero kapag nagtagal-tagal na sila ng girl, du’n na siya mabilis magsawa.”

Ganu’n ang kuwento ng lahat ng pakikipagrelasyon ng male personality, nagbibilang siya ng karelasyon, maayos na maayos ‘yun sa una pero biglang nanglalamig na kapag nagtatagal sila.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Mabilis siyang magsawa. Pinaka-sweet siyang boyfriend sa una, pero kapag nagtatagal na sila, e, kapansin-pansin na very cold na ang guy.

“Para siyang kotse, magaling lang siya sa pag-arangkada, pero kapag diretsong biyahe na, e, nawawala na siya sa linya!” komento pa ng aming source.

Playboy ang kilalang aktor, mabilis siyang madarang sa tukso, may mga pagkakataong pinagsasabay-sabay pa nga niya ang pakikipagrelasyon.

Reaksiyon uli ng aming source, “Naku, mainit ang katawan ng male personality na ‘yun! Mainit na mainit ang karburador niya, dahil meron na nga siyang girlfriend, e, suma-sideline pa siya!

“Di ba, magkarelasyon na nga sila nu’n ng isang magandang aktres, pero meron pa rin siyang sideline? Walang kaalam-alam ang girlfriend niya na nasisingitan pala siya!

“Ayaw pang maniwala nu’n ng girl na gumagawa ng milagro ang boyfriend niya, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, siya na mismo ang naka-discover na totoo nga!

“Habang malamig ang gabi ng female personality, e, napakainit naman pala ng magdamag ng guy! Magaling talaga siyang magpalusot, magaling kasi siyang magsalita!” napapailing pang kuwento ng aming source.

Madali raw mararamdaman ng girl kapag may iba nang pinagkakaabalahang babae ang male personality. Palagi na siyang busy sa trabaho, marami na siyang dahilan kaya hindi na nakakadalaw sa kanyang girlfriend, bulok na ang style ng playboy na male personality.

“Kahit ang girlfriend niya ngayon, sweet na sweet sila, para silang mga lovebirds, pero mada­ling makakaramdam ang girl na nanglalamig na sa kanya ang male personality, matalim ang babaeng ‘yun, hindi siya basta-basta mapapaikot ng boyfriend niyang sawain!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon, nagpabawas ng boobs sa Amerika

Malaking problema ng mga artista ang maliit nilang dibdib. Nagpapadagdag sila. Pero matinding problema rin para sa kanila ang malulusog na dibdib. Nagpapabawas sila.

Matagal nang problemado si Sharon Cuneta sa malalaki niyang boobs. Mabigat. Nakakangalay. Nakakapagod kargahin.

‘Yun ang dahilan kung bakit habang nasa Amerika siya ay isiningit na niya ang pagpapatapyas ng magkabila niyang bundok. Napakamoderno ng paraan sa Amerika, parang paggamot lang ng sugat ang breast enhancement du’n, hindi nakakakaba ang resulta.

Naiintindihan ng isang kausap namin ang pagpapabawas ng boobs ni Sharon, dumaan din ito sa ganu’ng proseso sa Amerika, napakalaking ginhawa raw ang naging resulta para sa kanya.

“Ang hirap-hirap kaya ng ganu’n, para kang may pinapasang krus sa bigat, matagal kong naramdaman ‘yun. Para ka ring ngalay na ngalay madalas, kasi nga, mabigat ang dinadala mo,” natatawang sabi ng aming kaibigan.

Markado ang araw na ito para sa Megastar, ngayon na ang pagpapalabas ng pinagbidahan niyang pelikulang Revirginized, ibang-ibang Sharon Cuneta ang matutunghayan ng publiko sa proyekto niyang ito.

Pero malungkot ang ibang kababayan natin, nahuli sila sa pagbili ng ticket para sa palabas, hindi sila mauuna sa pagsilip dahil ubos na ang tickets sa loob nang ilang araw.

Napakasuwerte ni Direk Darryl Yap na nagkaroon ng oportunidad na makumbinse ang Megastar sa isang mapaghamong papel. Winasak ng pelikulang ito ang imahe ng isang Megastar mula nang pasukin niya ang pagganap. Pero sa positibong paraan.

Ang trailer pa lang ng Revirginized ay kumakaway na, nang-iimbita na, para saksihan ang isang kakaibang Sharon Cuneta.

Sigaw ng kaibigan naming propesor na nahuli rin sa pagbili ng ticket, “Siguradong mapapahiya ang mga bashers ni Mega ngayon! Sino ngayon ang laos na? Nand’yan pa rin ang magic niya!

“Hindi pa ipinanganganak ang magbabagsak kay Sharon Cuneta!” napakadiing komento ni prop.

Show comments