_ngayon
^

PSN Showbiz

Lovelife ni Hidilyn, parang eksena sa K-drama!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dahil kay Hidilyn Diaz at Nesthy Petecio inulit ko na naman panoorin ang feel good Korean series na Weightlifting Fairy. Type na type ko iyon dialogue dun na para kay Nam Joo Hyuk (bidang lalaki) na sexy ang babae na strong, maskulado at lumalabas ang mga ugat pag nasa competition.

Kasi naman, totoo na ang beauty ay individual taste ang pamantayan. Iyon iba mas type ang matangkad, mas gusto naman ng iba ang petite. Sa iba maganda ang maputi, iyon iba mas gusto ang morena.

Iyong iba gusto ang may kurba, pero ang taste naman ng iba chubby o mataba.

What is beautiful sa iba, ugly naman para sa iyo.

May linya rin sa Weightlifting Fairy na sabi ng bidang babae (Lee Sung-kyung) ayaw ng mga babae na nasa sports na pinapa-nuod sila ng mga type nilang lalaki ‘pag nasa competition dahil iyon ang ugliest day nila, labas lahat ng muscles, iyon mga ugat, ngiwi ang mukha sa hirap.

Pero para sa bidang lalaki, iyon naman ang para sa kanya pinaka sexy moment ng isang athlete, iyon kita mo ang paghihirap niya habang nakikipag-compete, mas lalo na siguro pag nanalo pa iyon atleta.

Kaya para sa akin, hindi kataka-takang magkaroon ng boyfriend si Hidilyn, lalo pa nga at ang bf niya ay nasa sports din na katulad sa kanya, na sure ako na kung ano ang feeling na sinasabi ni Nam Joo Hyuk iyon din ang feeling ng boyfriend ni Hidilyn sa kanya, na sexy, beautiful siya habang lumalabas ang mga muscle at ugat niya.

At siguro iyon magiging boyfriend ni Nesthy Petecio ang tingin din sa kanya mala-Ms. Universe habang sumusuntok at sparring sa ring.

Naku, ewan ko ba kung bakit pati lovelife ni Hidilyn issue, eh mukha naman talagang in love sila ni Julius Naranjo ang boyfriend niya sa isa’t isa.

Basta now watch n’yo Weightlifting Fairy, makikita n’yo ang beauty ng mga atletang babae na nasa sports na pang macho.

Mag-asawang Christopher at Gladys, malakas ang catering

Ang galing talaga ng catering business nila Gladys Reyes at Christopher Roxas. Impressive ang Sommereux catering na talagang pinagtiyagaan ni Christopher dahil nga culinary gra-duate siya kaya iyon ang fallback career na naisip niya.

May utak sa business si Gladys kaya malakas ang loob pumasok sa negosyo, at totoo naman na ang food business ang pinaka-magandang pasukin dahil very essential ito.

Malaking bagay na magkatulong sina Gladys at Christopher dahil together stronger ang vibes ng business nila.

Ang sarap ng food, ang ganda ng presentation, bongga ang packaging kaya naman sure ako na marami ang nag-oorder sa Sommereux catering dahil bukod dito very professional ang service nila.

Puwede na talaga sila Gladys at Christopher sa pandemic, kasi nakakagawa sila ng paraan para kumita.

Unforgettable ang eating experience mo sa catering nila Gladys. Call na sa Sommereux catering, puwede ang food order lang, pero better na full service ang gawin n’yo pag meron kayong intimate dinner o lunch.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with