_ngayon
^

PSN Showbiz

Andrea, nag-iipon para sa early retirement

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, nag-iipon para sa early retirement
Andrea
STAR/ File

Mahigit isang dekada nang aktibo sa show business si Andrea Brillantes. Kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng dalaga mula noon.

Ayon sa aktres ay may mga pagkakataong naiisipan na rin niyang tumigil sa pagiging artista. “Ang daming beses na gustung-gusto ko na kasi, promise. Akala n’yo ang dali-dali (huminto sa pag-aartista), ang hirap-hirap lalo na kung breadwinner ka. Hindi lang kasi kapag nahirapan ako ay quit na. Kasi may responsibility ako kaya hindi ko siya pwedeng bitawan nang bigla,” pahayag ni Andrea.

Ngayong nakapagpagawa na ng sariling bahay ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-iipon ng aktres para sa kanyang kinabukasan.

May ilang netizens naman ang gustong patigilin na rin si Andrea sa show business. “Kaya nga nag-iipon ako ngayon. Magkaroon ako ng early retirement para magkaroon ako ng peaceful life. Para kapag magkakaroon ako ng pamilya ay wala nang manggugulo. Pero I’m sure guguluhin pa rin ako (ng online bashers),” pagtatapat niya.

Samantala, pinatulan na ni Andrea ang online bashers na nagsabing maarte at maldita umano ang aktres. “Lagi ko nakukuha maarte. Okay, nage-gets ko rin ‘yon kasi kikay naman talaga ako, nagme-make up ako. Nag-aayos ako, nagti-TikTok ako. Kasi parte ‘yan ng trabaho. Kapag di ako nag-post di na ako magiging relevant and I have bills to pay. Tapos sa maldita, kung nagpakita man ako sa ‘yo ng ganoon, siguro pagod lang talaga ako noon. Or mayroon akong sariling problema na iniisip. Mayroon akong pinagdadaanan noon. I’m so, so sorry. Pero ako talaga I try my best na ipakita talaga ‘yung best version ko lalo na sa fans, ‘yon ang possibly last moment na makikita nila ako at ‘yun ang maaalala nila for the rest of their lives. Kaya ayaw kong maging bastos ako sa kanila. Kasi ‘yon na ang maaalala nila,” paglilinaw ng aktres.

Angeline, tiis-ganda sa retoke

Isa si Angeline Quinto sa mga artistang bukas sa publiko tungkol sa kanyang mga ipinagawa kay Dra. Vicki Belo upang mas ma­ging maganda. Aminado ang singer-actress sa marami na siyang ipinaayos sa sikat celebrity doctor. “Ever since naman talagang kung ano ang mga itinatanong sa akin kung ano ang mga naipagawa ko, hindi ko naman ‘yon itinatago sa ibang tao like ‘yung sa mata, liposuction. Siguro ‘yon ang tiis-ganda kasi ginusto ko eh. Noong nawala ang anesthesia, tiis lang. ginusto ko eh,” bungad ni Angeline.

Para sa dalaga ay kinakaila-ngang talagang pangalagaan ang sarili para presentable sa tuwing humaharap sa mga tao o sa publiko ang katulad niyang singer-actress.

Naniniwala si Angeline na hindi lamang ang panlabas na kaanyuan ang dapat na maganda kundi maging ang kalooban din. “Mayroon talagang mga moments na paggising mo sa umaga, parang hindi ka maganda. Tapos ma-realize mo na kaya pala hindi ka maganda kasi hindi ako masaya, ‘yun pala ‘yon. Kaya paggising ko sa umaga sinisigurado ko na nagdarasal ako, nagpapasalamat ako sa panibagong buhay na kahit na may pandemya, nagising na naman tayo at napakalaking blessing na ‘yun. Kung matututo tayo na pahalagahan ang kung ano mayroon tayo, kusa nang papasok ang tunay na saya na kailangan nating maramdaman,” makahulugang paglalahad ng singer. (Reports from JCC)

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with