Derek at Ellen, masaya para kina John Lloyd at Andrea!

Ellen
STAR/ File

Ang pagiging Kapuso ni John Lloyd Cruz ang isa sa paboritong paksa sa group chats ng ilang fans.

Kaya kahit ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay hiningan din ng reaksyon sa posibleng pagsasama nina John Lloyd at Andrea Torres sa isang sitcom.

“Good for them! More blessings, more fun,” napangiting sagot ni Ellen nang tinanong ito sa kanya ni Morly Alinio sa programa niya sa DZRH nung Linggo, August 1.

“That’s true!” mabilis ding pakli ni Derek. Congratulations…I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spread good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats,” dagdag niyang pahayag.

Wala naman daw isyu sina Ellen at Lloydie. Nag-uusap daw silang dalawa basta tungkol lang sa anak nilang si Elias.

Hindi raw totoong may gagawin silang show sa GMA 7. Napabalita na rin kasing hindi na tutuloy si Ellen sa sitcom niyang John en Ellen.

Mas gusto raw ni Derek na gumawa sana ng pelikula pero mahirap pa sa ngayon dahil nga sa hinaharap nating pandemic.

Hindi lang niya sinabi kung sino ang makakasama niya, pero may nakatakda na raw siyang gagawing isang malaking action movie na kukunan sa Puerto Rico.

Hindi lang daw sila makapag-start dahil sa mga COVID-19 restrictions.

Bukod pa riyan ay aligaga pa sila sa preparations ng kanilang kasal.

Samantala, kinumpirma na rin sa amin ni John Estrada na hanggang season two na lang si Ellen at naghahanap na ang production ng ipapalit sa kanya.

Naintindihan naman daw nina John ang desisyon ni Ellen na umalis na sa kanilang sitcom na John en Ellen dahil mas gusto na lang daw ng aktres na mag-focus sa kanyang anak na si Elias at sa kasal nila ni Derek.

Itinanggi nila ang kumalat na isyung nag-walk out daw si Ellen sa huling taping ng John en Ellen. Hanggang 12 noon daw talaga ang taping at lagpas alas-dose na nga raw na-pack up ayon kay Derek na sumundo kay Ellen nung araw na iyun.

Parents ni Hidilyn, darating ng Maynila!

Ilang araw na lang ay matatapos na ang quarantine ni Hidilyn Diaz at ng  buong Team HD.

Siyempre, ang gusto naman ni Hidilyn ay makasama ang kanyang pamilya na nasa Zamboanga. Pero ECQ tayo, kaya ginagawan ng paraang papuntahin na ang pamilya ni Hidilyn dito at inaasahan na ang pagdating nila ngayong araw. Sana matuloy para kumpleto na ang saya ng ating Olympic gold medalist.

Pagkatapos kay Hidilyn, inaabangan naman ang pagdating ng  silver medalist ng bansa sa women’s boxing na si Nesthy Petecio.

Lea at Regine,

Nagbunyi sa pagwawagi ni Petecio

Kahit hindi naka-gold, malaking karangalan pa rin ang naibigay sa bansa ni Petecio.

Dagsa rin ang mga inspiring message na ipinadala kay Nethy mula sa mga kilalang celebrities kagaya nina Lea Salonga at Regine Velasquez at may mga pabuya ring nakaabang sa kanya.

Pati ang bronze medalist ay may matatanggap din. Inaalam pa namin kung magkano at kung sino pa ang magbibigay rin sa ibang winner sa Olympics.

Sa totoo lang, maganda ang resulta ng laban ng ating mga atleta sa Tokyo 2020. Kaya sana maganda ang suporta sa kanila para sa pinag­hahandaan nilang laban sa 2024 Olympics na gagawin naman sa Paris.

Show comments