_ngayon
^

PSN Showbiz

John Lloyd, naging wild nang ma-in Love

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

John Lloyd, naging wild nang ma-in love

Mahigit tatlong taong gulang na ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias. Ayon sa aktor ay hindi niya inasahan noon na mabibiyayaan silakaagad ng supling ni Ellen bilang magkasintahan. “Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na weare in control. We like that idea na, ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’ It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinano mo. But in reality, especially ngayon after tatlong taon, iba eh. Hindi eh,” makahulugang pahayag ni John Lloyd.

Aminado ang aktor na nakaramdam siya ng takot noon sa pagiging isang ama. “I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. But I think that’s the whole essence of it. I didn’t get scared (sa responsibilities) at all,” giit niya.

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si John Lloyd. Matatandaang si Ellen pa rin ang huling nakarelasyon ng aktor at hindi pa masabi kung kailan muling iibig. “Mahirap magsalita nang tapos. Sometimes, we do things para sa mga love natin na they are just wild, parang out of character. You’ll never know anong kaya mong gawin when you’re in love,” pagtatapos ng aktor.

Coco, ‘di napapagod sa Probinsyano

Nakararamdam ng kaba si Coco Martin dahil sa pagpasok ni Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nakatakdang mag-taping ng aktres para sa serye pagkatapos ng enhanced community quarantine na ipatutupad sa Metro Manila.

Matatandaang unang tinangkilik ang tambalan nina Coco at Julia noong 2012 sa teleseryeng Walang Hanggan. “Ako ‘yung ‘di nakatulog. Ako ‘yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako puwede magkamali this time. Dito pa ba ako sasablay? Ako ‘yung natataranta, ako ‘yung ninenerbiyos. Ewan ko bakit ko pinasok ‘to (Julia),” natatawang pahayag ni Coco.

Anim na taon nang napapanood ang programa kaya naman bilang pangunahing bida at direktor ay mayroong mga inihahandang bago si Coco. “Hindi namin ibibigay ‘yung ine-expect ng manonood. Kasi kami, lagi naming pinaghahandaan kung ano ‘yung bagong ihahain sa mga viewers natin. Hanggang ngayon excited pa ako. ‘Di ako nakakaramdam ng pagod. Lagi akong ganado, lagi akong nae-excite. May bagong cast, ang laki ng tatakbuhin ng kuwento. Para akong gumagawa ng bagong show,” pagdedetalye ng aktor.

(Reports from JCC)

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with