_ngayon
^

PSN Showbiz

Julia, pressured na ididirek ni Coco!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, pressured na ididirek ni Coco!

Malapit nang mapanood si Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Isang malaking karangalan umano para sa aktres ang mapabilang sa nangungunang teleserye sa bansa. “Kung iko-compress ko into words, it is more of blessed lang talaga and honored to be part of this big project. Hindi po siya aabot ng six years kung hindi lahat hindi binigay ‘yung puso nila. Alam ko ang sarap ng magiging journey at marami rin akong matututunan,” nakangiting pahayag ni Julia.

Nakararamdaman ng pressure ngayon ang aktres dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging direktor niya si Coco sa serye.

Matatandaang nagkatambal sina Julia at Coco sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012 at pelikulang A Moment In Time noong 2013. “May pressure po siyempre hindi naman mawawala ‘yon. ‘Yung pressure gusto kong ma-meet ‘yung expectation niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated. I’m just so proud of him sa lahat ng na-achieve niya ngayon from before. Then ngayon na lahat na talagang tutok siya. So I’m just happy to be part of that project and creative side of him,” paliwanag niya.

Wala raw problema kay Julia kung magiging masama man o mabuti ang kanyang bagong karakter sa serye. Nakatakdang sumabak sa
taping ang aktres pagkatapos ng ipatutupad pa lamang na enhanced community quarantine sa Metro Manila. “Any po, both okay ako. ‘Yon nga po ‘yung masarap mapasok sa show na ‘to. Kasi nga ‘yung challenge and journey ng character mo hindi basta-basta. Hindi siya ‘yung typical teleserye na ‘pag pumasok ka alam mo na agad. Ito may challenge as an actor,” pagtatapos ng aktres.

Cindy, nagbubura ng nega comments 

Isa si Cindy Miranda sa mga itinuturong dahilan sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ang beauty queen-actress ang leading lady ni Aljur sa pelikulang Nerisa na napapanood na ngayon online.

Ayon kay Cindy ay hindi na bago sa kanya ang mga alegasyong ganito. “Parang lahat ng masama naibigay sa akin. Pokpok, kabit, bobo. Hindi ko po naintindihan. Masyadong sinukat ‘yung pagkatao mo na hindi ka nila kinilala. Masakit lang kahit ayaw mong maapektuhan. Sa sobrang dami po talaga,” pagbabahagi ni Cindy.

Kahit nasasaktan ay pinalalampas na lamang umano ng dalaga ang lahat ng masasamang salitang ibinabato sa kanya ng netizens sa social media.

“May time na talagang nakatutok ako sa Instagram because I delete the comments. Ayoko talaga, hindi sila dapat welcome. Pangit naman na makita ng ibang tao na, ‘Oh my God, ano ba itong mga naka-comment dito.’ I just delete, Ayoko siyang patulan kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ba ‘yung nasa isip nila. Ayoko namang i-force sila na maniwala sa akin pero lalabas din naman po ‘yung totoo,” dagdag ng dalaga.

Nilinaw rin ni Cindy na nabalitaan niya ang tungkol sa hiwalayan nina Aljur at Kylie bago pa man mag-shooting para sa naturang sexy film. “I think na-timing-an lang po ‘yung interbyu ni Sir Robin Padilla. So they thought na ako ‘yung naging dahilan.  It was really before Nerisa pa nangyari ‘yan. Naikwento naman po ‘yan ni Aljur pero hindi ko po talaga alam ‘yung detalye. We’re friends, very professional po ‘yung naging trabaho namin ni Aljur,” giit ng sexy actress. Reports from JCC

 

 

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with