^

PSN Showbiz

Sen. Manny, noon pa pangarap maging presidente

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Manny, noon pa pangarap maging presidente
Sen. Manny.

Nakakaawa naman ang mga bira kay Champ Manny Pacquiao. Masyado nang below the belt na masyado.

Anong masama kung nangangarap siyang maging presidente?

Kahit sino, puwede naman mangarap di bah? So, kundi nga siya karapat-dapat ‘di huwag iboto, pero tigilan na ang mga panlalait.

Si Manny Pacquiao ang isa sa reason kung bakit kilala tayo ng buong mundo. Inilagay niya sa mapa ang Pilipinas nang maging world class boxer siya. Puwede na hindi sapat ang nalalaman niya para maging Presidente, pero iyon puso niya, ang damdamin niya para makatulong ay nandun. Hindi pa sapat iyon pero at least meron na siyang quality na alam mo na kaya niyang gawin, hindi siya corrupt, at hindi ang pagpapayaman sa puwesto ang iisipin niya.

Pangarap niya ‘yun, then let it be. Gusto niya, ‘di hayaan natin. Tayo rin naman ang magdi-desisyon kung iboboto siya o hindi.

So why bother and putting him down? Basta hayaan lang natin magkaroon ng pangarap ang bawat Pilipino.

Dream natin maging leader ng bansa natin, karapatan natin iyon, so tahimik lang.

Sige Manny Pacquiao, iyan ang pangarap mo, gawan mo nang paraangmatupad.

Mga gustong tumira sa abroad, hindi nakakaramdam ng homesickness

Alam mo ba Salve na kahit one month sa France si Dra. Vicki Belo nakakaramdam na siya ng homesickness at gusto pa rin ang Pilipinas.

Kaya nagtataka ako kung ano ang nasa USA para sila Sharon Cuneta at KC Concepcion ay magtagal dun at hindi ma-homesick.

Ewan ko pero talagang there is no place like home. At para sa atin ang home ay ang bayan natin, ang Pilipinas.

Nakakatuwa nga na parang marami ngayon sa mga star natin ang gusto na mag-stay outside of Metro Manila. Like sila Megan Young at Mikael Daez na sa Subic na gusto tumira.

Sina Anjo at Jomari Yllana mas gusto na sa Bicol. Imagine mo iyon happiness ni Andi Eigenmann sa Siargao, ni direk Rory Quintos sa Cordillera.

Puwede kang mag-iba ng sorrounding pero sa Pilipinas ka pa rin. Dahil emotionally at home ang feeling mo rito na parang isang malaking bahay na hahanapin mo lang kung saan sulok mo gusto magtago.

Kaya puwede naman huwag ka sa abroad, dito lang sa atin, basta remote area, at comfortable ka, wala na siguro aabala sa iyo. Kahit ano sabihin mo, Pilipinas pa rin ang pinaka magandang lugar sa isang Pilipino.

 

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with