^

PSN Showbiz

Sikat na babaeng personalidad na iniilusyon ng bayan, hindi talaga kayang hiwalayan ang actor-politician

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matinding kuwestiyon para sa marami kung bakit at paano minahal ng isang sikat na female personality ang isang actor-politician.

Pinagpipistahan ng buong bayan ng mga barako ang napaka-seksing katawan ng female personality, milyun-milyon ang nangangarap na makita man lang siya nang personal, pero heto ang isang lalaking mahal na mahal ng kanilang iniilusyon.

Kuwento ng aming source, “Walang magawa ang manager ng girl, suko na siya, kapag puso nga naman ang nagkagusto, walang magagawa ang kahit sino.

“Nagtatanungan tuloy ang maraming nakakaalam tungkol sa relasyon nila, ano ba ang meron ang male personality para mahalin siya nang ganu’n katindi ng girl?

“Meron ba siyang nakikita na hindi nakikita ng iba, kaya ganu’n? Naiisip na lang ng iba, napakahusay sigurong magmahal ng guy, kaya sobra rin siyang minahal ng girl,” unang kuwento ng aming impormante.

Alam ng mga kahanay ng actor-politician kung gaano kalalim ang pagmamahalan nila ng sexy actress. Prayoridad nito ang babae.

Patuloy ng aming source, “Hindi naman puwedeng sabihin na ang datung lang ng girl ang habol ng guy na ‘yun dahil mayaman din siya. Saka hindi pa sumisikat nang ganyan ang girl, e, sila na talaga.

“Masarap nga sigurong magmahal ang guy, marespeto siguro siyang karelasyon, dahil kung hindi, e, baka matagal na silang hiwalay ng sikat na female personality.

“Napakaraming tinatanggap na indecent proposal ng girl, iniisnab niyang lahat ‘yun, hindi nga naman niya kailangan ng datung dahil milyones ang kinikia niya buwan-buwan!

“Saka aanhin niya naman ang datung kung hindi niya gusto ang ginagawa niya? Du’n na siya sa actor-politician na nagpapaligaya talaga sa kanya!

“Matindi ang male personality na ‘yun! Kinaiinggitan siya ng mga barako! Ano raw ba ang meron siya na wala ang iba? Blessed ba siya?

“Basta, ang makasasagot lang ng mga tanong na ‘yun, e, ang napakaseksing babae na iniilusyong makatabi kahit sandali lang ng mga kalalakihan!

“Iba siya! Ibang-iba, iba na ang lalaking guwapo na, e, matalino at masarap pang magmahal!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kasalang Derek at Ellen, magiging simple lang!

Agosto na. Nu’ng makausap namin si Derek Ramsay ay sinabi ng hunk actor na sa buwang ito sila magpapahayag ni Ellen Adarna kung saan at kailan sila magpapakasal.

Maraming naghihintay sa kanilang deklarasyon. Simpleng kasal lang ang pareho nilang gusto. Anumang oras ay puwede naman uli silang magpakasal nang engrande talaga dahil kayang-kayang gastusan ‘yun ni Derek.

Ang mahalaga ay tanggap sila ng kani-kanilang pamilya, tanggap din nina Derek at Ellen ang kani-kanilang mga anak, maligaya ang kanilang pagsasama.

Napansin ng kanilang mga kaibigan na hindi na lumalabas si Ellen kasama ang kanyang mga kaibigan para makipag-inuman. Tama nang sila na lang ni Derek ang magkasama.

Kuwento pa ng aming source, “Nu’ng sina Ellen at John Lloyd pa, e, madalas siyang mag-bar kasama ang mga friends niya. Para siyang naiinip, parang kailangan niyang makasama ang mga kaibigan niya.

“Pero ngayong sila na ni Derek, hindi na lumalabas si Ellen, ganu’n nga siguro ang babaeng masaya sa karelasyon niya. Hindi niya kailangan ng ibang tao para sumaya siya,” komento ng aming kausap.

Dumadaan ang maghapon na kung anu-ano lang ang ginagawa nina Derek at Ellen pero maligaya sila. Nandu’ng takut-takutin ni Ellen si Derek ng hawak nitong ipis na talagang pinandidirihan ng aktor.

At hindi uso ang best foot forward sa kanilang dalawa. Humaharap si Derek kay Ellen nang hindi pa man lang naghihilamos. Si Ellen naman ay buong-ningning nang yamayakap kay Derek nang hindi pa nagsusuklay.

Napakakaswal ng kanilang relasyon. Walang tensiyon, walang presyur, lumilipas ang kanilang maghapon nang puro saya lang ang pinagsasaluhan nila.

Sabi ni Derek nu’ng minsang magkuwentuhan kami, “Siya ‘yung type ng babae na katabi mo nang matulog, pero gusto mo na uling mag-umaga para makakuwentuhan at makita mo uli siya.

“Ganu’n si Ellen for me. Kagu-good night n’yo pa lang, e, gusto mo nang matapos ang magdamag para umaga na uli to be with her,” seryosong paglalarawan ni Derek.

At komento naman ng mga dating katrabaho ni Ellen Adarna ay ngayon lang nila nakita ang kanilang kaibigan na napakasaya. ‘Yung parang wala nang hinahanap pa sa buhay.

Harinawang huwag magkaroon ng kahit anong dahilan para hindi sila magkatuluyan. Nakakaaliw silang pareha, walang pretensiyon, walang kahit anong paimbabaw lang.

 Tunay na pagmamahalan ang nakikita ng mundo sa kanila.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with