_ngayon
^

PSN Showbiz

Raymond Gutierrez nagpakilalang bahagi ng LGBTQ community

Philstar.com
Raymond Gutierrez nagpakilalang bahagi ng LGBTQ community
Litrato ng aktor at host na si Raymond Gutierrez
Mula sa Instagram accout ni Raymond Gutierrez

MANILA, Philippines — Nagpakilala na bilang parte ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ) community ang aktor at host na si Raymond Gutierrez  sa isang panayam ng Mega Magazine na inilabas ngayong Agosto.

Kilalang kapatid niya ang aktres na si Ruffa, aktor na si Tonton at kambal na si Richard. Anak naman siya ng celebrity personalities na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

"I'm here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am," ani Raymond.

Dagdag pa niya, matagal na itong alam ng mga malalapit sa kanya. Pinasalamatan niya sila sa buo nilang pagtanggap sa kanya.

"I am out to a lot of my close fcriends and I'm lucky that I have that support system around me to give me the confidence to really accept who I am and to love myself because not a lot of people have that?" dagdag niya.

 

 

Sa hiwalay na Instagram post, kanya ring ibinahagi na hindi naman niya talaga itinanggi ang kanyang pagkatao, sadyang ngayon lang niya ito isinapubliko.

Habang lumalaki, natagalan daw siyang tanggapin kung sino talaga siya — hanggang umabot ito sa pagkamuhi sa sarili dahil sa "itinuro ng lipunan na mali maging iba," lalo na para sa kanyang lumaki sa harap ng publiko.

"I went through a dark phase of self destruction — creating unhealthy habits to have some sort of escape so I didn’t have to face my reality. I kept things to myself because I was scared to bring shame to my family, and didn’t know how others would treat me," patuloy niya.

"I want to encourage those who feel alone that it’s never too late to love yourself, acknowledge those feelings and face your fears — because it feels damn good to be on the other side."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mond (@mond)

Binati naman siya ng mga kasamahan sa showbiz dahil sa katapangan ng paglalantad sa publiko.

"LOVE YOU. You already know what I want to add to this comment," sabi ni Anne Curtis sa komento.

"I get sooo emotional!!! mond!!!!!!! Boyfriend nalang talaga!!!" tugon naman ng tanyag na stylist na si Liz Uy.

Enero lang nang lumikha ng ingay si Raymond matapos mabatikos sa idinaos nilang pagkalaki-laking birthday party kasama ang iba pang mga artista sa gitna ng quarantine restrictions. 

Dahil sa pagsuway sa COVID-19 restrictions, napilitang maipasara ang pinagdausang lugar na La Picara Manila. — James Relativo

LGBTQ COMMUNITY RAYMOND GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with