_ngayon
^

PSN Showbiz

Misis ni Kabayan Noli, pumanaw

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Misis ni Kabayan Noli, pumanaw

Pumanaw kahapon ang misis ni Kabayan Noli de Castro na si Arlene de Castro.

Ang daughter nilang si Kat de Castro ang nagkumpirma. “My Mom passed away this morning. Thank you for your prayers.

“As of now, we are still finalizing plans for her burial. I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop,” ang paunang post ni Ms. Kat na kasalukuyang General Manager ng PTV4.

Nakikiusap naman sila na kung may sintomas ang sinumang gustong makiramay ay ‘wag nang pumunta ng Loyola Memorial at ipagdasal na lang ang kanyang mommy. “My Mom is in Loyola Memorial Chapel along Commonwealth Avenue, QC.

“Mornings are reserved for family. Close friends of my Mom and the family can come from 1pm onwards. She will be here until tomorrow.  To those who sent their condolences, salamat po.

“Please respect our wishes to keep guests for my Mom at the minimum. A2 si Daddy at A3 po ako. Please pray for her na lang if you have symptoms. Thank you,” paalala pa ni Ms. Kat na pakiramdam niya ay panaginip pa rin ang lahat. “Mommy, please…. Panaginip lang ito Mommy di ba? Mommy…. .”

Habang sinusulat namin ito ay wala pang official statement si Kabayan Noli. Wala ring binigay na cause of death si Ms. Kat.

NOLI DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with