_ngayon
^

PSN Showbiz

Shooting at taping, bawal na uli sa ECQ

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Shooting at taping, bawal na uli sa ECQ
CEO Liza Diño

Hindi na naman pinapayagan ang film, music, at television production at lahat pa ng production activities sa NCR sa Enhanced Community Qua­rantine (ECQ) status mula Agosto 6 hanggang 20. Ang iba pang ECQ areas mula Agosto 1 hanggang 7 ay Iloilo City, Iloilo province, Gingoog City, at Cagayan de Oro City.

Mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5, ang NCR ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na mayroong “heightened and additional restrictions” at pinapayagan ang film, music, at TV productions na magkaroon ng hindi lalagpas sa 50 katao sa kahit na anong oras pero hindi lalagpas ng 100 katao buong araw.

“In as much as we are hoping for our film and audiovisual industry to bounce back from the many challenges due to the pandemic, production activities in ECQ areas need to be put on hold again as a preventive measure to mitigate the spread of COVID-19, especially its Delta variant,” sinabi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson at CEO Liza Diño.

“As for areas under MECQ, GCQ, and MCQ, productions may continue provided that there is strict adherence to the operational capacities and health and safety protocols set by the government,” idinagdag ni Diño.

Ayon nga sa Memorandum Circular No. 21-14, Series of 2021 ng Department of Trade and Industry, pinapayagan ang film, music, at TV productions at activities na mag-operate ng may 50% capacity sa ilalim ng modified ECQ (MECQ), habang pinapayagan ang mga ito na mag-operate ng may 100% capacity sa ilalim ng GCQ at modified GCQ (MGCQ).

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with