_ngayon
^

PSN Showbiz

Inigo, nakakalma sa farm

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, nakakalma sa farm
Inigo Pascual

Nakapagpundar na ng isang farm na matatagpuan sa Rizal si Inigo Pascual. Binili raw ng binata ang property noong Nob­yembre lamang para sa kanyang lolo.

Matagal nang pinapangarap ni Inigo na makapag-alaga ng mga kabayo. Bukod sa mga kabayo ay mayroon na ring mga baka at baboy sa farm ang aktor. “I’ve always wanted to have horses. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm. Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there,” pagbabahagi ni Inigo.

Ayon sa binata ay talagang malapit ang kanyang puso sa kalikasan mula noon pa man. Ngayon ay nae-enjoy ni Inigo ang kanyang farm dahil dito siya nakapagpapahinga pagkagaling mula sa kabi-kabilang trabaho. “Ako kasi I’ve always love nature. Parang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema. Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko sa bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh ‘yon ang trip ko na gawin on my spare time,” paglalahad ng aktor.

 

Donny, mas comfortable na at vulnerable kay belle

Nagtapos na ang seryeng He’s Into Her na pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Hindi raw inakala ng aktor na tatangkilikin ng mga tagahanga ang tambalang DonBelle. “Ang natutunan ko is to expect the unexpected. We didn’t know back then na magiging pair kami from the very start. We all had one purpose naman and that’s why we were there. We were blessed to still work during the pandemic. Just everything during those weeks was worth it,” nakangiting pahayag ni Donny.

Sa loob ng halos dalawang taong pagtatrabaho ay maraming bonding moments ang nangyari kina Belle at Donny. Dahil dito ay lubusang nakilala ng binata ang aktres. “It’s just the conversation that happen behind the scenes that made me more about Belle and get more comfortable and more vulnera­ble. We really talk before a scene and we really do our best to make sure that we exert the effort needed, ‘yung mga emotions,” kuwento ng aktor.

Aminado si Donny na kinilig din siya sa mga eksena nilang ginawa ni Belle para sa nagtapos na serye. “Of course siyempre, kinilig din naman ako. May secret si direk (Chad Vidanes) na nagwo-work talaga. Meron na kaming next na gagawin eh. We’re already working together actually sa next projects. So abangan na lang nila,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)

INIGO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with