_ngayon
^

PSN Showbiz

Scarlet at Zia, lutang ang talent sa pagpipinta

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Scarlet at Zia, lutang ang talent sa pagpipinta
Zia

Ang cute naman na sina Scarlet at Zia ay parehong marunong gumuhit. Nakita mo ba ‘yung artworks ng dalawang bata, Salve, parang lalaki sila at magiging future artist. Kaloka ‘yung mga painting nila na para bang gawa ng mature na pintor.

Hindi kataka-taka na magmalaki sina Dra. Vicki Belo at Marian Rivera Dantes sa kanilang mga anak dahil bukod sa ang gaganda na, ang talino at meron agad talent sa arts.

Ang sarap makita na lumalaki sina Scarlet at Zia, na sure akong magkakaroon agad ng comparison dahil ngayon pa lang nga, lagi nang usapan, sino ang mas maganda, mas matalino at mas talented. Hah hah, kiddie rivalry agad, pero sure akong magiging best of friends sila dahil good friends sina Dra. Vicki at Marian.

Ano kaya, paglaki ng dalawa, maging mga doktora sila at parehong may beauty clinic, iyon na ang talagang labanan, hah hah.

Wild dreams na naman ako, kasi naman walang hinto ang ulan, gloomy na, wild pa ang imagination ng lahat.

Negosyante, nagbigay ng pag-asa

Isa pang kaibigan natin na very busy ngayon, Salve, si Cris Roque ng Kamiseta Skin clinic and Apparel. Kasi nga marami siyang balak pasukin na business dahil nakikita niya na later on baka biglang mag-boom uli ang business sector.

Hindi naman daw puwede na for the longest time mananatili na hindi gumaga­law ang market. Tiyak daw na bigla, nais din ng tao na bumawi sa long spell ng hindi paglabas. From a businesswoman’s point of view baka nga ito ang talagang mangyayari in the future.

Sana nga tulad ng prediction ni Cris, everything will be fine, back to normal. ‘Di ba sabi nga nila, tulad ng chicken pox at measles ganun na rin daw ang magiging epekto ng COVID-19, isa nang forever virus na forever nating lalabanan. Brighter things are coming up, kaya dapat lang asahan natin na mas maganda ang magiging resulta ng lahat para sa atin.

SCARLET ZIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with