_ngayon
^

PSN Showbiz

Gretchen, sinabihang ‘difficult to live with’ ni Tony Boy!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, sinabihang âdifficult to live withâ ni Tony Boy!
Gretchen
STAR/ File

Pagsabong kinarir na...

Lady Tiger pala ang pangalan ng panlabang manok ni Gretchen Barretto.

Sa kanyang IG stories ay nakitang dumalo siya sa isang sabong event at nang tawagin siya, may hashtag na Lady Tiger.

Sa next story ni Gretchen ay siya na mismo ang nag-post kasama ang kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang.

At ang event pala ay 12-Stag Derby (4 Stag Prelim) na ginanap the other day, July 30, 2021.

At ‘di lang ‘yun nagpaturo pa siyang humawak at magbitiw ng manok kay Mr. Ang.

Usually daw kasi ay audience lang si Gretchen at hindi talaga humahawak ng pansabong na manok, pero sa nasabing video at masaya siyang nagpapaturo kung paanong humawak ng tama.

Madalas na noong makita sa sabong event si Gretchen bago pa nagkaroon ng pandemic at hindi naman niya ito inililihim and in fact nagbibigay ng ayuda ang kanilang grupo ni Mr. Ang na kilalang sabungero sa iba’t ibang local government units.

Recently ay binanggit nga pala ni Gretchen sa vlog ni Dr. Aivee Teo na sinabihan siya ng partner niyang bilyonaryo na si Mr. Tony Boy Cujuangco na ‘difficult to live with’. Aniya : “I’m difficult to live with and Tony told me ‘you’re difficult to live with.’ I said, ‘Good.’ Difficult is good. That’s what’s gonna set me apart but really I need my own space, and I need my candles, I need my music and I’m good. Because in the morning I’m not in the best mood, I have to set the mood. I have to be by myself and I need my music,” pag-amin ni Gretchen habang nagchi-chikahan sila ni Dra. Teo at nag-break sa kanyang thermage treatment na gusto pala sa gabi ay nag-iisa lang siya.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with