_ngayon
^

PSN Showbiz

Rayver Cruz, aprubado kay Gabby Concepcion!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rayver Cruz, aprubado kay Gabby Concepcion!
Gabby
STAR/ FIle

Malaki ang tiwala ng batikang aktor na si Gabby Concepcion na mabibigyan ng hustisya ni Kapuso heartthrob Rayver Cruz ang kanyang role sa upcoming GMA adaptation ng ‘80s blockbuster movie na Nagbabagang Luha.

Sa naturang TV adaptation na mapapanood na simula August 2 sa GMA Afternoon Prime ay bibigyang-buhay ni Rayver ang karakter na naunang gampanan ni Gabby sa pelikula bilang si Alex, ang lalaking magpapa-ibig sa magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

Sa naganap na Pinoy Abroad Fun Connect’ ng GMA Pinoy TV ay nakatanggap ng good luck message si Rayver mula kay Gabby, “Do your own version. I know you’re gonna do good, Rayver and everybody else.”

Dagdag pa ng aktor, “Sa cast ng Nagbabagang Luha, be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye, it’s a remake.”

Abangan ang world premiere ng Nagbabagang Luha simula August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA. Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV.

Restored version ng kung mawawala ka palabas sa sagip pelikula festival

Nagbabalik ang isa sa most-awarded movies noong ‘90s na Kung Mawawala Ka Pa ng Reyna Films na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Dawn Zulueta, at Amy Austria dahil handog ng ABS-CBN Film Restoration ang digitally restored version nito sa Sagip Pelikula Festival ng KTX.

Mula sa direksyon ni Jose Mari Avellana at sa panulat nina of Bibeth Orteza at Oscar Miranda, binigyang buhay ng pelikula ang buhay ng mag-asawang Tony (Christopher) at Marissa (Dawn) at ang kanilang unica hija na si Charina (Sarah Jane Abad).

Kasama rin sa pelikula nina Boyet, Dawn, at Amy sina Pilar Pilapil, Sarah Jane Abad, Benjie Ledesma, Gamaliel Viray, at Mark Vergel De Dios.

Bago ipalabas ang pelikula, tampok din sa pre-show nito sina Dawn Zulueta at ang manunulat nitong si Bibeth Orteza. Mabibili naman ang mga ticket nito sa https://bit.ly/KMKPonKTX sa halagang P150. 

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with