_ngayon
^

PSN Showbiz

Christopher, satisfied sa lock-in!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Christopher, satisfied sa lock-in!
Christopher
STAR/ File

Tumawag si Christopher de Leon na kasalukuyang nasa lock-in taping ng Lolong. First time ni Christopher sa lock-in at tuwang-tuwa siya sa bagong set-up ngayon ng taping.

Tuwang-tuwa siya pati na sa mga rest day nila. Hindi raw niya akalain na mai-enjoy niya ang lock in, at for now mas pabor daw siya sa ganitong set-up dahil walang hintayan sa set, walang nali-late, at maganda raw ang bonding ng mga artista.

Mukhang magiging maganda ang resulta ng Lolong dahil sa positibong feeling ng mga kasali sa project.

Suwerte ni Ruru Madrid sa kanyang launching dahil mabigat ang suporta, plus smooth ang andar ng taping. Exciting din dahil nga naiiba ang istorya nito. Iyon lang may buwaya sa istorya, tiyak na malaking come on na.

Vic at Pauleen, may forever

Parang ang ligaya-ligaya naman nila Vic Sotto at Pauleen Luna sa Eat Bulaga noong Biyernes para 42nd anniversary ng programa.

Lumabas ng mga bahay nila sila Vic at Joey de Leon at Sen. Tito Sotto na abala sa trabaho sa senado para sa EB.

Mula kasi nang mag-pandemic talagang sobra ang naging pag-iingat nila, hindi talaga nagsilabas ng bahay sina Vic and Joey. Pero siyempre nga dahil special ang 42nd anniversary kaya hayun, nag-live sila.

At talagang kita mo na malaki ang nagawa ng matagal na pahinga sa dabarkads, mukha silang energetic at puno ng ligaya.

Ang guwapo ni Vic at ang ganda ni Pauleen Luna na pumayat at iba ang aura, mukhang sobra sa happiness.

Ang sarap makita na ang ganda ng pagsasama nila Vic at Pauleen. Kaya happy child din si Talitha, ang nag-iisang anak nila

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with