_ngayon
^

PSN Showbiz

Daniel, walang tiyaga sa social media

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, walang tiyaga sa social media
Daniel
STAR/ File

Number of followers and likes inaapelang alisin 

Hindi masyadong aktibo sa social media si Daniel Padilla. Hindi umano kaya ng aktor na magbabad sa gadget katulad ng ibang Pinoy mapa-artista man o ordinaryong tao. “Sana lang maging responsible tayo. I post sa Instagram just to update them. Minsan napapatagal pero I post siyempre. Nakakahiya rin naman sa kanila baka cannot be found naman ako,” bungad ni Daniel.

Hanga ang binata sa kasintahang si Kathryn Bernardo dahil nababalanse raw ng aktres ang paggamit ng social media. Bagay na hindi kayang pagtiyagaang gawin ni Daniel. “Si Kathryn ang pinakamagandang example kung paano siya magtrabaho. The ethics, natural na natural. Sa akin, it’s not natural. Hindi ko kaya, nahihirapan ako. Pero sa iba ko na lang siya ginagawa. ‘Yung mga streaming, hindi ko talaga kaya,” pagtatapat ng aktor.

Para kay Daniel ay malaki ang nagiging epekto ng social media sa lipunan lalo na sa kabataan. Mayroong ilang nagkakaroon ng depresyon dahil sa paggugugol ng panahon sa iba’t ibang apps ng social media.

“For me, because it’s too much information for us. May mga bagay tayo na nakikita, nababasa, na sa totoong buhay, hindi na dapat natin ito alam. Sinabi ‘yan ni Kobe Paras. Sinabi niya na sana sa Instagram o ano mang social media platforms, sana alisin na ‘yung bilang ng like. Pangalawa, the counts of your followers, kapag inalis mo kasi ‘yon magbabago rin ang tema ng lahat,” giit ng binata.

Donny,BF material para kay Belle!

Sinuportahan ng mga tagahanga ang tambalan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa He’s Into Her. Naniniwala ang aktres na magkasundo sila ng binata sa maraming bagay kaya pumatok ang tambalang DonBelle sa katatapos pa lamang na serye. “Para kaming nagwo-work pero we don’t feel as if we’re working. Kasi sobrang nag-e-enjoy kami. And sobrang feeling ko nagja-jive lang talaga ‘yung ugali namin and parang same wavelength, so nagkakaintindihan kami. Feeling ko nag-click ‘yung pairing namin because ‘yung personalities namin, it jives,” paliwanag ni Belle.

Isang bagong proyekto ang nakatakdang gawin ng DonBelle. Sa ngayon ay talagang ini-enjoy lamang ng dalawa ang kanilang pagiging magkaibigan. Maituturing din daw ni Belle na talagang boyfriend material si Donny. “I guess you can ask the girls here and for sure they’ll say yes naman, of course. We’re just really focused sa work and we’re really happy with the company of each other. What I like most is ‘yung pagiging supportive niya and ‘yung optimism niya sa set na napapasa niya sa lahat. ‘Yung pagiging happy niya na napapasa niya sa lahat. Nabibigay niya ‘yung energy niya sa lahat. Nahahawa niya lahat sa energy niya and that’s what I like most about him,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with