^

PSN Showbiz

Manoling Morato, namayapa sa komplikasyon sa COVID-19!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Manoling Morato, namayapa sa komplikasyon sa COVID-19!
Manoling Morato
STAR/ File

Nagulat kami at hindi agad naniwala sa balitang namatay si former MTRCB at PCSO Chairman Manoling Morato noong Biyernes ng hapon. Naghanap kami ng confirmation sa mga taong malalapit sa kanya pero wala.

Wala rin sumasagot sa kanyang telepono.

Nagkaroon kami nang duda dahil kailan lang nabasa pa namin na dis­appointed siya sa isang ginawang pelikula na si Sharon Cuneta, at nabanggit pa niyang kaibigan niya si Mommy Elaine. May statement pa siyang nagkukuwento na noong kanyang panahon sa MTRCB ay nilabanan niya nang husto ang mga pelikulang bomba, na noon ay tinatawag na “penekula” dahil nagpapakita na ng actual “penetration”.

Walang nakakaalam na apat na araw na pala siya sa isang ospital sa Quezon City, hanggang sa sumakabilang buhay nga noong Biyernes, Hulyo 30 ng alas 2:30 ng hapon dahil sa kumplikasyon ng Covid-19.

Noong una, ang nabalita ay pneumonia raw, pero nang lumabas ang official statement ng kanyang pamilya noong gabi na covid nga raw.

Hindi malaman kung nahawa siya sa isa niyang staff dahil lately naman ay hindi na naglalalabas si Manoling dahil siya ay 87 years old na nga.

Ang buhay ni Manoling ay puro serbisyo sa bayan. Nakilala namin siya bago pa siya napasok sa gobyerno, pinamumunuan niya ang foundation na nangangalaga sa Boys’ Town. Tapos napasok nga siya sa gobyerno bilang chairman ng MTRCB.

At noong siya ang chairman ng MTRCB, laging bukas ang opisina niya sa lahat ng mga gustong makipag-usap sa kanya. Pinakikinggan niya ang mga nasa industriya bagama’t marami ang umaaway sa kanya dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas. Madalas sinasabi niya “they are barking at the wrong tree”, dahil hindi naman siya ang mahigpit kundi ang batas na ipinatutupad niya.

Noon namang panahon niya, ang akala ng mga tao makukuha nila ang lahat ng gusto nila sa pamamagitan ng mga rally at kilos protesta. Lahat may hang over ng EDSA. Nakakatawa nga dahil nang malaunan, inaamin din ni Manoling na nagkamali siya nang sumama siya sa EDSA, at noong bandang huli, hindi lang niya kinampihan kundi ikinampanya pa niya si Bongbong Marcos.

Matagal din siyang nakipaglaban, pero in the end nagtagumpay siyang mapatigil ang mga mahahalay na pelikula, at inamin naman ng mga producer na noong panahong iyon ay mas kumita sila, dahil buong pamilya ang nanonood ng kanilang mga pelikula.

Matindi rin ang naging sagupaan nila noon ni Lino Brocka nang hindi niya payagan ang isang pelikula na kung saan sa unang eksena ay ipinakitang nagse-sex ang bida at isang kano. Tapos nagpakita pa ng isang eksena sa loob ng gay bar kung saan sabay-sabay na nagse-self sex ang ilang kabataang lalaki.

“Maski ikaw, papayagan mo ba iyon,” natatandaan naming tanong pa ni Manoling sa amin.

Malaking kawalan si Manoling Morato. Isa siya sa pinaka-mahusay na namuno sa MTRCB, na maihahambing lang siguro kina Secretary Gimo de Vega at Ka Doroy Valencia noong kanilang panahon sa Board of Censors.

Anniversary ng EB, nasabayan ng announcement ng ECQ

Hindi masyadong napansin ang paglabas nang live ng original hosts ng Eat Bulaga para sa kanilang ika-42 years sa telebisyon, dahil bago iyon nagbagsak na ng bomba si Secretary Harry Roque na ang NCR ay isasailalim sa ECQ, na ang binabanggit na restrictions ay para na ring lockdown.

Noon lamang nakatuntong sa bagong studio ng Eat Bulaga ang TVJ dahil bawal na ngang lumabas ang mga senior citizen. Kaya nga napapanood na lang sila sa pamamagitan ng Zoom.

Hindi rin naman ganoon ka-bongga ang kanilang anniversary presentation dahil marami pa rin limitasyon ang ipinatutupad bilang bahagi ng safety protocols at wala ka namang magagawa kundi sumunod.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with