_ngayon
^

PSN Showbiz

Coco at Julia, magla-lock in sa Ilocos hanggang December!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, magla-lock in sa Ilocos hanggang December!
Coco at Julia.

Hanggang December na ang lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos.

Pero middle of August ang pull-out ng grupo ni Coco Martin.

And finally, tuloy na tuloy na ang balik-tambalan sa telebis­yon nina Coco at karelasyon niyang Julia Montes bilang ang bagong leading lady ng aktor sa ikaanim na taon ng longest-running action-drama series.

Kinumpirma nga ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Julia sa serye nang ilabas nito sa social media ang mga litrato ng aktres sa story conference at pictorial na ginanap kahapon, Biyernes (Hulyo 30) sa ABS-CBN.

Ito nga ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco pagkatapos ng ilang taong panawagan ng fans na pagtambalin silang muli kasunod ng phenomenal TV drama na Walang Hanggan noong 2012.

Last year pa kumalat ang pagpasok si Julia sa Probinsyano at ngayon nga ay tuloy na, wala nang atrasan.

Bukod kay Julia, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

Sa ikaanim na taon ng serye ngayong Set­yembre, dadaan sa mas matitinding pagsubok si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila sa patuloy na pakikipag­laban nila para sa bayan.

In all fairness, nananatiling matibay ang serye kahit walang franchise ang ABS-CBN at hanggang sa online lang sila. Though nasa TV5 at A2Z naman ito.

So ito nga siguro ang message na walang interes si Coco sa pulitika at hindi siya na-convince na kumandidatong senador ni Sen. Lito Lapid.

Bukod sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, kung saan sunud-sunod na sinira ng programa ang sarili nitong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood nang live, patuloy ring pinapanood ang pakikipagsapalaran ni Cardo sa pamamagitan ng The Filipino Channel, Netflix, at pagpapalabas sa Myanmar, Laos, Vietnam, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

 

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with